Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pagbabago sa RH Bill inihain na

Sampung pagbabago sa kabuuan ng RH Bill ang binago ng mga pangunahing manunulat nito upang lumuwag ang pagbabatikos ng oposisyon at tuluyang mapapayag ang pagpasa sa panukala. Ilan sa pagbabagong ginawa ay ang pagtanggal ng two-child policy (Section 20. Ideal Family Size), pag-alis sa contraceptives bilang pangunahing gamot (Section 10. Family Planning Supplies as Essential Medicine) at paglipat ng sex education sa Grade 6 (Section 16. Mandatory Age Appropriate Reproductive Health and Sexuality Education). Sa Senado naman, patuloy pa rin ang batikos ni Majority Leader Vicente Sotto III sa ilang organisasyon na may layuning isulong ang abortion sa bansa. Ayon sa kanya, ang mga organisasyong ito ay nagbibigay ng maling impormasyon ukol sa ilang isyu sa RH Bill. (Philippine Star)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *