Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Paano nga ba Labanan ang Homesickness?

Mahirap talaga tumira sa isang malayong lugar lalo na’t wala tayong kasamang kapamilya o kamag-anak. Halos araw-araw tayo malungkot at minsan pa’y di makakain. Homesickness ang pinakamabigat na kalaban ng isang OFW. Naisin man natin na umuwi na lang at makasama ang pamilya, hindi natin magawa dahil kailangan magsakrapisyo para sa ikakaganda ng kanilang buhay.

Anu-ano nga ba ang mga ginagawa ng mga OFW para labanan ang homesickness:

  • Maging abala. Marahil narinig niyo ang ganitong payo na mag-trabaho hanggang mapagod para mawalan ng oras sa kakaisip tungkol sa pamilyang nasa malayo.
  • Mamasyal. Isa rin itong maganda paraan ng pagiging busy. Bigyang pansin ang bansa na inyong pinagttrabahuhan. Subukan i-explore ang lugar kung saan kayo’y nakatira sa gayon ay may matututunan.
  • Sumali sa Filipino Community. Makisalamuha sa mga kapwa pinoy. Isa itong mabisang paraan para ika’y magkaroon ng kausap. Maaari rin sila magbigay ng payo tungkol kung sa paano ang pamumuhay sa dayuhang bansa.
  • Kausapin ang pamilya. Bigyang oras ang pakikipag-usap sa pamilya dahil sila ang makakapagbigay ng
  • Magdasal. Ito ang pinakamabisang paraan para malabanan ang homesickness. Maghanap ng simbahan malapit sa inyong tinitirhan at subukan magsimba linggu-linggo.

Ang homesickness ay mahirap sa umpisa ngunit masasanay ka rin habang tumatagal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *