Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

P25-M halaga ng puslit, nasabat ng BOC

Halos P25 milyong halaga ng mga puslit na pekeng tsinelas at sapatos ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isang bodega sa Baclaran.  Natuklasan ito ng mga BOC nang makatanggap sila ng impormasyon na hindi umano nagbayad ng buwis ang may-ari ng mga nasamsam na gamit. Mga pekeng sapatos at tsinelas na may tatak na Adidas, Crocs, Vans, Havaianas at iba pa ang hinihinalang naipuslit mula sa bansang Tsina.

Maganda ang ganitong development dahil ipinapakita ng BOC na sila ay hindi natutulog lamang sa pansitan.  Sa panayam kay BOC Commissioner Ruffy Biazon, siya umano ay naglabas ng Letter of Authority (LoA) na nagbibigay kapangyarihan sa kanyang mga itatalagang tauhan na magsasagawa ng inspeksiyon sa mga kahina-hinalang kargamento at mga bodegang ayaw pa-inspeksyon ng mga may-ari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *