Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

P 133 Milyon, nasira ng lindol

Ang lindol na may magnitude 7.6 na yumanig sa VIsayas ay nagdulot ng Php 133.6 milyong halaga ng mga sira sa mga bahay, kalsada, gusali at iba pang ari-arian. Sa paglilista ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Php 25 milyon ang halaga ng sira sa Eastern Samar, Php 45 milyon sa Northern Samar at Php 62 milyon sa Tacloban City. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin ang mga aftershocks dulot ng lindol, 525 nito ay galing sa Eastern Visayas, 68 naman sa Sultan Kudarat at 320 naman sa Bukidnon. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, magtatagal ng isang buwan ang mga aftershocks na ito. Ang lindol ay nag-iwan ng isang patay at 10 sugatan. (Philippine Daily Inquirer)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *