Home > Gourmet Galore > Ngohiong

Ngohiong

Ang Ngohiong ay parang lumpiang pinirito na ang sangkap na gamit ay rice paper roll (klase ng lumpia wrapper na malinaw na galing Thailand) na sinasangkapan ng singkamas (jicama), ubod (coconut palm heart), giniling na baboy, dinikdik na hipon, bawang at sibuyas na nilasahan ng Chinese five-spice powder at inihahain na may kasamang sweet and sour sauce para sa sawsawan. Ito ay popular na street food sa Cebu.

Sangkap:

Rolls

  • rice paper or lumpia wrapper
  • ½ kg ubod, hiwaing pahaba na maninipis
  • ¼ tasa ng singkamas (jicama) hiwang pahaba na manipis
  • ½ kilo giniling na baboy
  • ¼ kg tinadtad na hipon
  • 4 tangkay ng sibuyas na mura (spring onions), tadtarin
  • 3 kutsarang five-spice powder
  • 4 pirasong bawang, dikdikin
  • 1 sibuyas, hiwaing maliliit
  • asin
  • paminta
  • toyo
  • mantika

Batter

  • 2 tasang cornstarch
  • 1 kutsaritang paminta
  • 1½ tasa ng tubig

Sauce

  • 1/3 tasang tubig
  • 1 kutsaritang cornstarch
  • 2 kutsarang toyo
  • 2 kutsarang brown sugar
  • ¼ kutsaritang five-spice powder
  • asin
  • 1 puti ng itlog (egg white), batihin ng kaunti
Paraan:

Rolls

  1. Sa kawali, maglagay ng konting mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
  2. Ilagay ang giniling na baboy at lutuin hanggang magkulay brown.
  3. Idagdag ang hipon, sibuyas na mura at singkamas. Lasahan ng five spice powder, asin, paminta at toyo. Haluing maigi at patayin ang apoy. Ilagay sa salaan para maalis ang ekstrang tubig o likido. Itabi ang likido at hayaang lumamig ang sangkap.
  4. Habang naghihintay na lumamig ang mga sangkap na niluto ay ihanda ang batter, pagsamahin ang lahat ng sangkap sa paggawa ng batter sa isang malukong na mangkok.
  5. Kapag ang sangkap ay lumamig na, ilagay sa rice paper wrap o lumpia wrapper. Ilagay sa batter mixture at i-deep fry o iprito sa 180 C na init ng apoy at hayaang maluto hanggang magkulay golden brown.
  6. Ilagay ang piniritong Ngohiong sa wire rack para tumulo ang ekstrang mantika.

Sauce

  1. Sa isang maliit na sauce pan, paghaluin ang lahat ng sangkap sa paggawa ng sauce maliban sa egg white kasama ang itinabing likido.
  2. Hayaang kumulo sa loob ng 2 minuto hanggang unti-unting lumapot ang sauce.
  3. Dahan-dahang ibuhos ang puti ng itlog at haluin hanggang maluto. Alisin sa init ng apoy at ihain kasama ang Ngohiong

Thank you: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Leave a Reply

%d bloggers like this: