Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil, Cristine Reyes at Ronaldo Valdez, nagsama-sama sa pinakamalaking drama ng taon, “Seven Sundays”

Mapapanood ang pinakamalaking drama ng henerasyon na ito,na hatid ng Star Cinema sa key countries worldwide via TFC@theMovies simula October 21.

Pinagsama-sama ng “Seven Sundays” ang ilan sa pinakamahuhusay na artista ng industriya –Ronaldo Valdez, Dingdong Dantes, Enrique Gil, Cristine Reyes, at Aga Muhlach – sa ilalim ng direksyon ng isa sa mga mega-blockbuster directors na kilalang-kilala para sa kanyang solid string of consistent hit romantic-comedies, Cathy Garcia-Molina.

Ang “Seven Sundays” na hatid ng Star Cinema at mapapanood sa labas ng bansa via TFC@theMovies ay isang family dramedy na naka-sentro sa apat na di magkakasundo na magkakapatid na Bonifacio na sina Allan (Muhlach), Bryan (Dantes), Cha (Reyes) at Dex (Enrique Gil). Pipilitin sila ng kanilang amang si Manuel (Valdez), na malapit nang pumanaw, na i-revive ang kanilang Sunday family get-togethers para sa mga natitirang mga buwan ng kanyang buhay. Ngayong napilitan ang magkakapatid na muling magsama-sama, mga nakakatawa, at magugulong eksena ang mangyayari dahil unti-unting lalabas ang kanilang mga nakaraang mga family at sibling issues habang hinaharap nila ang kani-kanila nilang mga problema sa buhay.

Ipinagdiriwang ng Seven Sundays ang isang major milestone sapagkat minamarkahan nito ang kauna-unahan at pinakahihintay na big-screen collaboration ni Direk Cathy kasama sina Ronaldo, Dingdong, Enrique, Cristine, at Aga.

Hudyat din ng pelikulang ito ang much awaited comeback project ni Aga Muhlach sa ABS-CBN. Isa si Aga sa mga most iconic leading men in the film business at ang huling full-length feature na kanyang pinagbidahan ay ang romantic drama na “In The Name Of Love” kung saan nakatambal niya si Angel Locsin noong 2011.

Nagbabalik din si Dingdong Dantes matapos ang matagumpay na theatrical run ng “The Unmarried Wife” noong 2016 na ilan lamang sa mahabang listahan niya ng hits sa ilalim ng Star Cinema.

Si Enrique Gil naman ay muling makakatrabaho si Cathy Garcia-Molina matapos ang tagumpay ng “My Ex And Whys” noong nakaraang Pebrero. Tumatak naman sa isipan ng mga manonood ang kaniyang performance sa pelikulang “Dukot”.

Si Cristine Reyes naman ay huling napanood bilang isa sa mga celebrity contestants ng “I Can Do That”. Bago iyon, ang huling film credit niya ay isang di malilimutang cameo sa super blockbuster hit ni Vice Ganda na Girl, Boy, Bakla, Tomboy noong 2013.

Ang beteranong aktor naman na si Ronaldo Valdez ay huling napanood sa romantic flick na “All You Need Is Pag-ibig” noong 2015. Pinakanagmarka siya sa modern times sa film sa “The Mistress” kung saan nakasama niya ang This Generation’s Movie Queen Bea Alonzo. Nagbabalik sa kaniyang element sa dramatic-comedy na ito upang muling ipamalas ang kanyang versatility bilang isa sa pinaka-respetadong aktor ng industriya”.

Sa pelikula kung saan magkakasama sila, muli na namang kukurutin ni Direk Cathy Garcia-Molina ang mga puso ng mga milyun-milyong mga manonood sa very touching at moving na pelikulang ito. Ang huling family movie na kanyang idinirehe ay ang “Four Sisters And A Wedding” noong 2013.

Ang “Seven Sundays” ay isang heartwarming film na nagpapaalala sa bawat Pilipino na bagama’t hindi lahat ng pamilya ay perpekto, isa lamang ang sigurado – ang pagmamahalan ng bawat miyembro sa isa’t-isa sa kabila ng kanilang mga problema sa isa’t-isa.

Magwawagi ba ang pagmamahalan sa buhay ng pamilya Bonifacio? Magkakaisa na ba talaga sila at lalong tatatag ang kanilang samahan? Sapat na ba ang “Seven Sundays” upang mahilom ang sugatan nilang mga puso? Tumawa at lumuha kasama sila at alamin kung ano ang mangyayari sa kanilang mga buhay matapos ang Seven Sundays”.

Tampok din sa Seven Sundays sina Donita Rose, Kean Cipriano, Ketchup Eusebio, April Matienzo, Jeffrey Tam, Kyle Echarri, Kin Billote, Angelica and Angelee Cruz, Gabriel Iribagon, at Alyanna Angeles.

Napapanood na ang “Seven Sundays” sa Austria, United Kingdom, Italy, at Spain; habang mapapanood na ito sa October 26 sa Papua New Guinea; October 27 sa U.S., Canada at Saipan; November 2 sa Australia, New Zealand, Brunei at Middle East; November 4 at 5 sa Thailand at November 26 sa Taiwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *