Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Mga SCALAWAGS, tinaningan

Nagbabala ang  Office of the Ombudsman na bilang na ang araw ng mga tiwaling tauhan at opisyales ng pamahalaan.  Nasa tamang landas umano ang tinatahak ni da­ting Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales bilang pinuno ng Ombudsman para papanagutin ang lahat ng mga abusadong tauhan at opisyales ng pamahalaan.  Nabatid na sa unang limang buwan, nakapagtala ang Office of the Special Prosecutor ng 20 convictions laban sa 113 government officials na nakasuhan ng katiwalain, malversation, bribery at falsification of public docu­ments na katumbas ng 17.7 porsyentong conviction rate. Sakaling magtuluy-tuloy ang Ombudsman na mapanatili sa loob ng pitong buwan ang antas ng pagsasampa ng kaso ay mado-doble ang taunang tala na 9.98 porsyento mula taong 2002 hanggang 2011 sa 502 convictions laban sa 5,032 public officials.

Sa nakalipas na 10-taon ay nakapagtala ang Ombudsman noong 2007 ng pinakamataas na 16.12 porsyentong conviction rate o 49 guilty verdicts laban sa 304 indibidwal.-(Abante-Tonite)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *