Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Mga Ampatuan, maaring bumoto sa susunod na eleksyon

Taong 2009 noong ginulat ang buong mundo sa balitang masaker na naganap sa Maguindanao at kumitil sa 57 katao kasama ang ilang mamamahayag. Sa ngayon, nakakulong ang ilang miyembro ng pamilya Ampatuan sa Taguig ngunit ayon kay Comelec chairman Sixto Brillanes Jr., bibigyan ng pagkakataon ang mga Ampatuan na bumoto sa darating na halalan. Ito ay ayon sa resolusyon na ipinatupad ng Comelec na ang isang tao ay maaring magparehistro kung ito ay mahigit anim na buwan nang nakakulong at siya ay boboto sa presinto kung saan ito nakalagak. Magsisimula ang pagpaparehistro sa panahong itinakda ng Comelec kasama ang ilan pang mga nakakulong bilang patunay na walang mabibigay na special treatment sa mga Ampatuan. (Manila Bulletin)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *