You are here
Home > Showbizz > Matagumpay ang Sharon at Robin Tandem sa Pelikulang “Unexpectedly Yours”

Matagumpay ang Sharon at Robin Tandem sa Pelikulang “Unexpectedly Yours”

Sa unang araw pa lang, kumita na ng P14 milyon ang muling pagbabalik-tambalan ng Philippine Megastar na si Sharon Cuneta at Idol of the Masses na si Robin Padilla sa sorpresang handog ng Star Cinema na pinamagatang “Unexpectedly Yours”. Kasama rin nila ang breakthrough love team na sina Julia Barretto at Joshua Garcia (JoshLia) at sumailalim pa sa direksiyon ni Cathy Garcia Molina.

Si Patty (Sharon) ay isang over-achiever na babae dahil sa mataas na expectations ng ina noong siya ay bata pa. Nadala niya ang ugaling ito maski na sa pamilya kung kaya’t nakipaghiwalay noon sa asawang nawalan ng amor sa buhay at maski sa anak na inaasahan din niyang maging tulad niya. Ngunit unti-unti ay nararamdaman ni Patty na tila wala na rin siyang control sa buhay, sa pangangatawan niya at higit ay sa second chances ng love.

Papasok namang muli sa kaniyang buhay si Cocoy (Robin), isang seaman na matagal na palang may gusto kay Patty. Hindi man siya kasing sikat noon ni Patty ay masigasig naman nitong naitaguyod ang pamilya, kabilang ang pamangkin na si Jason (Joshua) kaya naman hindi na ito nakapag-asawa. Wala itong panahon sa love hanggang makitang muli ang unang pag-ibig.

Ang pamangkin na si Jason naman ay may kaparehong karanasan sa buhay at pag-ibig – masipag man siya at may hitsura mang naturingan pero hirap na makamit ang mga nililigawan. Kabilang dito si Yanni, ang anak ni Patty na kaniyang sinusundan sa social media.

Magkakaiba ang mga pinanghuhugutan, pare-pareho naman nilang mapag-iisipang love deserves a second chance. Nostalgic romance at kilig feels ang hatid nina Cuneta at Padilla at nina Garcia at Barretto sa “Unexpectedly Yours.

Leave a Reply

Top
%d bloggers like this: