Home > Wholesome > Maligayang Araw ng mga Ina

Maligayang Araw ng mga Ina

Malawak ang kahulugan ng salitang pag-ibig. Maraming klase rin ito. Isa sa maituturing na pinakadakila ay ang pag-ibig at pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak.

Sinasabing ang pag-ibig ng Diyos ay makikita sa pagmamahal ng ina sa anak – busilak, dalisay, wagas, tunay.

Madalas sa ating pagiging abala ay nakakalimutan natin ipadama sa ating mga ina kung gaano natin sila kamahal at kung gaano sila kahalaga sa ating buhay. Mapalad ang mga anak na hanggang ngayon ay kapiling pa rin ang kanilang mga ina. Habang ang iba ay hanggang pag-asam na lamang. Huwag natin sayangin at palampasin ang bawat pagkakataon na maiparamdam sa kanila ang ating pasasalamat at pagmamahal. Ngayong Mother’s Day, ating ipagdiwang ang kanilang kadakilaan. Gawin natin espesyal ang araw na ito para sa kanila sa pamamahitan ng simpleng halik, mahigpit na yakap at pagbanggit ng mga katagang, “I love you, ‘Nay!”

Ang ating mga ina, kayang isakripisyo ang lahat para sa ating kaligayahan. Ang kanilang pagmamahal ay natatangi. Ang kanilang pag-aaruga ay hindi mapapantayan. Ipagbunyi natin ang kanilang kadakilaan.

Happy Mother’s Day!

Written by: Ms. Jacqueline May Naimo

Leave a Reply

%d bloggers like this: