You are here
Home > Showbizz > Makoto ng Japan itinanghal na kauna-unahang global representatives sa “Tawag ng Tanghalan” Huling Tapatan

Makoto ng Japan itinanghal na kauna-unahang global representatives sa “Tawag ng Tanghalan” Huling Tapatan

Mula sa daang-daang sumali mula sa regional competitions na isinagawa ng “It’s Showtime” at The Filipino Channel (TFC) sa North America, Asia, Middle East at Oceania, nagkaalaman na kung sino ang magtatayo sa bandera sa koponan ng overseas Filipinos (OF) sa Tawag ng Tanghalan sa ginanap na SemiFinals nitong lingo sa top-rating variety show na “It’s Showtime”.

Sina Steven Paysu ng California, U.S. at Makote Inoue ng Kanagawa Prefecture, Japan ang nakakuha ng combined judges at fan votes, kabilang ang international votes sa tntvote.abs-cbn.com

Mula sa labing dalawang nagtagisan ng galing, masasabing mahigpit ang labanan. Noong unang araw, opening salvo sina Al Angelo Bernal ng Abu Dhabi; Joseph Legaspi ng Guam, Penny Salcedo ng Hong Kong, Inoue, kung saan namayagpag sina Inoue. Noong ikalawang araw, sina Bernardite Steiger ng Austria, Cris Rotor ng South Korea, Rex Angelo Urbano ng Australia at Paysu ang nagtungali kung saan nanaig sina Rotor at Paysu. Sa Ikatlong araw naman, sina Louise Auman ng Austria, Aaron Paul Manabat ng Singapore, Chlea Maria Trinidad ng Bahrain; at Jing Wenghofer ng U.S.A. ang naglaban-laban kung saan nagtagumpay sina Manabat at Wenghofer. Patindi ng patindi ang naging laban noong day 4 at 5 kung saan sina Rotor at Manabat ay lumisan mula sa listahan. At noong day 6, naglabasan ng alas ang mga global semi finalists kabilang sina Inoue, Paysu, Salcedo, at Wenghofer ang naglaban-laban kung saan sina Paysu at Inoue na nga ang itinanghal na panalo.

Ikinagulat ni Paysu, isang laboratory technician, ang panalo niya dahil hindi man siya naging bahagi ng original na top 10, nakapasok siya sa pag-back out ng isang contestant at naging finalist pa. “Ang aking journey po mula sa Vegas – hindi ko po talaga inaasahan na makakarating ako dito sa Pilipinas. Talagang napakahirap ng proseso na pinagdaanan naming. Worth it naman, at ito na nga ang resulta”, pagbabahagi ni Paysu.

Mistulang itinadhana ang pagkapanalo niya dahil maski tingin niya ay nagkulang siya sa performance, naipanalo siya ng fan votes. “Kasi po ‘yong performance ko may sabit ako sa performance ko. First time kong marinig na may inconsistencies ako sa kanta ko. Sa backstage iyak ako nang iyak. Pero ‘yong comments ng mga tao nakikita ko – na-touch ako ng sobra.
Yes, parang hindi ko alam kung naghalo ‘yong performance ko tsaka ‘yong mga tao – you know, [naka-relate] sa mistake ko, na tao lang, kung papaano nila ko tinanggap. From the bottom of my heart, thank you”, pagtatapos ni Paysu.

Sorpresa rin para sa father of two na si Inoue ang pagkapanalo. Noong umpisa ng voting sa Region Finals, hindi si Inoue ang pinakamataas. Ngunit sa Region Finals kung saan na-impress rin niya ang judges, kasama naming nag-bigay ng kanilang voter nods ang online citizens. Sa huli, naipanalo ni Inoue ang Semifinals sa kaniyang winning combination ng karisma at vocal prowess.

Hindi makapaniwala ang public school teacher nang tinawag ang kaniyang pangalan. “Parang hindi muna ako nag-react muna – parang ‘pangalan ko ‘yon?’ Hindi nag-sink in, eh. Pero talagang napaluhod ako – parang ‘yong lakas ng katawan ko nawala. Sobrang saya, excited, nanginginig ang tuhod ko”, ani Inoue.

Nanalo sina Paysu at Inoue ng Php 150,000 each at ang titulo bilang kauna-unahang global representatives sa Global Tawag ng Tanghalan. Sa Marso, makakasagupaan naman nila ang mga 1st and 2nd Quarter semi-finals winners na sina: Jovany Satera at Alfred Relatado ng Quarter 1 at Anton Antenorcruz at Remy Luntayao ng Quarter 2.

Ayon kay Punong Hurado Rey Valera: “Para sa akin isang big deal ang nangyari sa akin ang nangyari ngayong araw na ito. Noong bata pa ako naririnig ko na ang Tawag ng Tanghalan sa radyo, sa TV and ngayon – global. Kinikilabutan ako kapag nare-realize ko iyan. Iyong mga TFC teams sa iba’-ibang lugar na tumulong sa ating mga kababayan – maraming, salamat. Iyong mga staff na akala niyo kay dali na nagdikit-dikit ng mga video na iyon, i-coordinate lang ang mga schedules etc. mahirap na. Proud po ako to be a part of Tawag ng Tanghalan”.

Leave a Reply

Top
%d bloggers like this: