Mabilis na pagkumpirma kay Roxas, inaasahan
Ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa na isinumite na ang appointment ni Transportation Secretary Manuel “Mar” Roxas sa Commission on Appointments (CA). Ito ay kanyang inilahad sa harapan ng House Committee on Appropriations kasabay ang proposal nitong budget para sa Department of Interior and Local Government. Hiling na lamang ni Ochoa na sana ay mabilis ang kumpirmasyon ng CA kay Roxas. Samantalang sunod na inaayos ang appointment kay Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya bilang kalihim ng Department of Transportation and Communications. (Philippine Daily Inquirer)