Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Lumipat sa ABS CBN mula sa GMA 7 – Iza Calzado

IZA CALZADO

Isa sa pinaka-aabangan sa TV ngayon ay si Iza Calzado. Matatandaang siya ay lumipat sa ABS CBN mula sa GMA 7. Magmula noon ay marami sa kanyang mga tagahanga ang nag-aabang kung ano na ang kanyang gagawing soap opera. Matatapos na ang paghihintay nila dahil ilalabas na ang bagong teleserye ni Iza. Makakasama niya sina Andi Eigenmann, Jake Cuenca at Gabby Concepcion. Ito ay ang “Kahit Puso’y Masugatan”. Maganda at challenging umano ang role ni Iza dito. Magkapatid sina Iza at Andi Eigenmann sa bagong primetime show ng Kapamilya Network pero susubukin ng pag-ibig ang kanilang relasyon dahil sa pagmamahal nila sa iisang lalake (Rafael na gagampanan ni Jake Cuenca).
Si Gabby Concepcion ang gumaganap bilang ama ni Jake na magkakaroon ng relasyon sa karakter ni Iza. Si Wenn Deramas ang director sa naturang teleserye.
Ang “Kahit Puso’y Masugatan” ang unang project ni Iza bilang Kapamilya star at ang simula ng mga pagbabago sa kanyang acting career.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *