You are here
Home > Miscellaneous > Lucky Oden for Lucky New Year!

Lucky Oden for Lucky New Year!

Ang New Year ay maituturing na tradisyonal na winter holiday sa Japan. Ngunit kaiba sa pagdiriwang nito sa Pilipinas at iba pang bansa sa buong mundo, madalas ay tahimik ang pagsalubong ng mga Hapon sa pagpasok ng Bagong Taon. Kadalasan ay nasa bahay lamang sila kasama ang pamilya – walang maingay na pagsalubong tulad nga mga paputok pagsapit ng alas-dose ng hatinggabi.

Sa mga opisina at trabaho, kadalasan ay nagsasagawa ng mga new year parties ang mga manggagawa. Nariyan ang bonenkai na isinasagawa sa pagtatapos ng taon at shinnenkai para naman salubungin ang pagpasok ng panibagong taon.

Ang oden ay madalas ding kinakain tuwing new year parties. Maituturing na winter comfort food ito dito sa Japan na kadalasan ay binubuo ng gulay, fish cakes, tofu at iba pang sangkap na pinakuluan sa dashi broth, soy sauce, sake at mirin. Dahil mahilig tayong mga Pilipino na maghanda ng pagkaing pampaswerte tuwing Media Noche. Maaari rin tayo gumawa ng isang masarap at pampasuwerteng Oden ngayong Bagong Taon. Narito ang mga sangkap at ang kanilang simbulo:

Ginnan

Ginnan – Ito ay puwedeng sumimbulo sa barya o coins. May amoy man ang pagkaing ito ngunit marami itong benepisyo sa katawan tulad ng pagpapabuti ng iyong memorya at nakakatulong sa pagpapalinaw ng paningin.

 

Tsumire
Ganmo

Tsumire at Ganmo – Tulad ng 12 pirasong bilog na prutas, ang labindalawang ganmo at tsumire ay maaaring maging simbulo ng masagana at maunlad na buhay sa loob ng isang taon.

 

Hanpen – Ito ay kulay puti na gawa sa fish o meat paste. Ang pagluto nito ay tulad ng pagluluto sa palitaw na kung saan ito ay nakalutang sa tubig o sabaw, ito ay sinasabing simbulo sa pagtaas ng kabuhayan.

Mochiiri Kinchaku – Ito ay may ginko seeds at mochi sa loob. Bukod sa simbulong hatid ng mga pagkaing nasa loob, ang paraan ng paghahanda nito ay sinasabing may nakabalot na suwerte dito.

Daikon – Ang pagkain ng matamis na labanos ay maaaring maghatid din ng matamis na taon.

Tako – May maliliit na hugis bilog ang itsura ng pugita. Ito rin ay puwedeng sumagisag sa pag-aasam ng kaginhawaan sa salapi.

Tamakonyaku – Bukod sa pagkakaroon ng mataas na fiber, ang maliliit at madikit na hugis bilog na ito ay tulad rin ng kakanin na nagnanais na magkakaroon ng closeness at pagkakasundo ng pamilya.

Chikuwa – Ang pabilog na hugis ng pagkaing ito ay maaaring maging simbulo ng walang katapusang kasaganahan sa pamilya.

Sausage – Ang anumang uri ng pagkain na gawa sa baboy ay kumakatawan sa kasaganahan ng buhay.

Itlog – Bukod sa pinaka poborito sa oden ito rin ay hugis bilog na ibig sabihin ay kasaganahan sa buong taon.

Ang mga pagkain na isinisilbi natin sa hapag-kainan tuwing Bagong Taon ay nakakaapekto raw sa kapalaran sa papasok na taon. Iba-iba man ang ating paniniwala at paraan ng pagdiriwang ng New Year, ang mahalaga ay lahat tayo ay nag-eenjoy at masiglang sasalubong sa Bagong Taon.

Leave a Reply

Top
%d bloggers like this: