Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Lip Sync Battle Philippines – Season 3

Muling nagbabalik para sa kanilang Season 3 ang “Lip Sync Battle Philippines” ng GMA-7. Ang musical-reality competition na nagbibigay ng bagong level ng entertainment para sa mga manonood. Mas exciting at kapana-panabik na performances linggu-linggo.

Ang pagbabalik ng dalawang main host ng “Lip Sync Battle Philippines” na sina Kapuso comedy genius Michael V. kasama ang multi-talented TV host-actress na si Iya Villania-Arellano bilang color commentator.

Masaya at excited si Michael V. na ipakita sa kanilang masugid na manonood kung ano ang mga pagbabago sa mas pinaganda at pinasayang “Lip Sync Battle Philippines.”

Excited ako kasi sinala talaga namin yung mga battlers ngayon and magkakaroon ng bagong battles. So ang masasabi ko talaga, mas aabangan ito kasi yung mga napiling battler, ready talaga sila,” paglalahad ni Michael V.

Sa kabilang banda naman, labis na nagpapasalamat si Iya at makakatrabaho niyang muli si Michael V.

I am just happy to be working with Kuya Bitoy because you know, he is very approachable and friendly and lahat ng galaw ko sa set, he is there to help and assist me so hindi talaga ako nahihirapan,” lahad ni Iya.

Magtutunggali ang celebrities at personalities sa isang lip sync battle sa loob ng dalawang rounds. Maaari nilang i-lip sync ang kahit na anong awitin na gusto nilang i-lip sync. Ang manonood ang magpapasiya kung sino ang panalo sa naturang dalawang rounds. Ang mananalo ang makakakuha ng Lip Sync Battle Championship Belt.

Ang makarating sa ikatlong season ng naturang programa ay lubhang nagpapasaya sa mga host at sa bumubuo ng naturang show. Mas lalo nilang pinaganda at maraming pagbabago na siguradong kagigiliwan ng mga manonood. Ang “Lip Sync Battle Philippines” ay ididirehe ni Rico Gutierrez at mapapanood sa GMA Pinoy TV.

Michael V.

Ang award-winning comedian at TV host na si Michael V. ay muling pumirma ng kontrata sa Kapuso network. Ang comedy genius ay masaya at kuntento na sa bakuran ng GMA-7 na naging tahanan na rin naman niya sa loob ng mahigit dalawang dekada.

21 years na akong Kapuso. Ito talaga yung bahay ko. Sinubukan kong gumawa ng project sa ibang network pero dito talaga yung puso ko, hindi ko maaalis. Isa pa, masaya ako sa ganda ng relasyon ko with everyone here to the point na parang hindi na boss yung turing ko sa kanila, kung hindi parang kamag-anak na.

Bukod sa bagong season ng “Lip Sync Battle Philippines” ay nandiyan pa rin ang dalawang multi-awarded programs ni Bitoy, ang longest-running gag show na “Bubble Gang” at ang family sitcom na “Pepito Manaloto.”

Ibinahagi rin ni Bitoy ang kanyang labis na pasasamalat sa suporta ng kanyang masugid na manonood.

Actually, kaya kami running pa rin ngayon ay dahil sa viewers. Kaya naman makakaasa sila na may iba pang mga dadagdag at bibisita. Para yun sa kanila e. Sabi ko nga, they inspire us. Sa kanila kami humuhugot ng inspirasyon o idea so masaya ako sa suporta nila sa amin since then.

Ang pagre-renew ng kontrata ni Bitoy ay ikinatuwa rin ni GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon dahil pagpapatunay lang na loyal Kapuso talaga si Michael V.

Well, si Bitoy naman idol ng marami e. Para sa akin, siya ang pinakasikat na comedian sa ngayon. At proud ako diyan kasi wala akong naririnig na negative about him. And the fact that we are still together for 20 years and more, siguro naman we don’t have to say anything about loyalty.

Abot din ang papuri ni GMA President and Chief Operating Officer Gilberto R. Duavit, Jr.

“Isa ako sa tagahanga ni Bitoy because he is just so unique, so great and admirable as a co-worker that aside from making us all very proud, we are extremely happy na nariyan siya at patuloy ang kanyang tiwala. At tayo naman ay patuloy na naghahanap ng paraan para ipakita sa kanya yung appreciation namin.”

Dagdag pa ng GMA executives na sila ay natutuwa at ikinukonsidera nila si Bitoy na isa sa pillars ng Kapuso network dahil sa pagmamahal at pagbuhos ng suporta sa industriyang kanyang ginagalawan.

Iya Villania

Matatandaang ang pagbabalik ni Iya sa GMA-7 kung saan siya nagsimula ay ikinatuwa ng Kapuso executives. Nagsimula at nakilala siya sa youth-oriented program na “Click” at nag-guest sa iba’t ibang shows sa GMA bago siyang magpasiyang lumipat sa ABS-CBN na naging tahanan niya sa loob ng 10 taon. Ang kanyang pagbabalik sa GMA-7 ay naglikha ng usap-usapan dahil hindi na diumano siya nabigyan ng projects sa ABS-CBN dahil sa dami ng mga nagsulputang bagong contract stars nito pero pinabulaan ito ni Iya. Wala siyang hinanakit sa pamunuan ng ABS-CBN dahil inalagaan naman siya nito sa loob ng isang dekada niya sa naturang network.

“It was a clean exit. “And it was all cleanly done, it was a sad goodbye, of course, and I’ll always be grateful for what they’ve done for me. “

At simula noon ay muli siyang nagbalik sa bakuran ng GMA-7, dito ay nagkaroon siya ng soap opera, reality shows, hosting, talk shows at iba pa. Ang kanyang tenure sa GMA ay nagbigay din ng pagkakaton upang magsama sila ng kanyang asawang si Drew Arellano sa isang programa na fit sa kanilang dalawa dahil health buff sila pareho. Nang mabuntis si Iya sa kanyang unang baby na si Primo ay patuloy pa rin siya sa pagpapa-fit ng kanyang katawan. Naging magandang ehemplo at inspirasyon siya ng pregnant women na nag-eehersisyo kahit kabuntisan na nito. Ipinaliwanag niyang hindi masama ang mag-ehersisyo habang buntis dahil nakakatulong din ito sa pagiging fit ng ina at maging ang sanggol na kanyang dinadala sa sinapupunan.

Ang paglabas sa mundo ng kanilang panganay ni Drew ay lalong nagpatibay sa kanilang pagsasama. Mas lalong naging aktibo si Iya sa Kapuso network at sa kasakukuyan nga ay napapanood ang Season 3 ng “Lip Sync Battle Philippines.” Ibinahagi ulit ng mag-asawa na si Iya ay muling nagdadalang-tao sa kanilang pangalawang anak. Maraming natuwa at natutupad ang mga pangarap ni Iya na magbuo ng isang happy and healthy family at syempre ang successful showbiz career niya na hindi rin naman niya kinakalimutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *