Home > Gourmet Galore > Linubihang Munggo

Linubihang Munggo

Isang lutuin mula sa Central Visayas kung saan ang munggo ay iniluluto kasama ang gata, dahon ng malunggay at dilis.

Sangkap:

  • 1 tasang munggo
  • 3 tasang tubig
  • 3 tasang gata
  • 1 tasang coconut cream
  • ½ tasang dried anchovies (dilis)
  • 1 malaking kamatis, hiwaing maliit
  • 6 piraso ng bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • 1 sibuyas, hiwain
  • patis
  • paminta

Paraan:

  1. Sa kaserola, igisa ang sibuyas sa loob ng 2 minuto, idagdag ang bawang at kamatis. Igisa hanggang lumambot ang kamatis.
  2. Idagdag ang munggo, dilis, tubig at gata. Pakuluin at ituloy ang pagpapakulo sa mahinang apoy sa loob ng 45 minuto hanggang 1 oras o hanggang ang munggo ay lumambot. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.
  3. Ibuhos ang coconut cream at pakuluin sa karagdagang 5 minuto at lasahan ng patis at paminta. Ihain.

Recipe & Photo by Raymund Macaalay (http://www.angsarap.net/)

Leave a Reply

%d bloggers like this: