Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Life Threatening nga ba ang sakit ni CGMA?

Hanggang ngayon ay pinagde-debatehan pa rin kung kaialngan nga bang payagan si CGMA na lumabas ngbansa para sa operasyon o dapat ay manatili na lamang siya sa Pilipinas upang dun gamutin.  Ang mga kaalyado ni Congresswoman Arroyo ay nakikiusap na payagan na ang dating pangulo na lumabas ng bansa dahil lubos na maselan ang kalagayan nito kung patatagalin pa at hindi maoperahan.  Sa kabilang bansa namn, ang ilang grupo ay nagpahayag ng pangambang baka hindi na bumalik ang dating pangulo upang sagutin ang mag kasong inihainlaban sa kanya.  Para sa kanila, mas mabuting sa Pilipinas na lamang operahan ang dating pangulo at marami naming mahuhusay na siruhano ang Pilipinas at kung ayaw ng grupo ni CGMA ang mga duktor sa Pilipinas ay maaari din namang papuntahin sa Pilipinas ang mga imported na duktor na mago-opera kay CGMA.

Ngunit ayon kay Rep. Danilo Suarez ng Quezon, nasa maselang sitwasyon umano si Arroyo kaya’t siya at ang kanyag mga kasamahan na kaalyado ni Arroyo ay maghahain ng resolusyon upang makiusap sa Pangulong Noynoy Aquino na payagang makalabas ng bansa si Arroyo upangdoon magpa-opera. Aniya pa,  may pinagkakatiwalaang duktor si Arroyo sa ibangbansa na siyang mago-opera sa kanya upang maisaayos ang lalamunan niya na apektado dahil sa nakakabit na titanium implants na nagiging sanhi ng kanyang pagkabilaok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *