Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Health

Life Begins at 40!

May kasabihang “Life Begins at 40” dahil dito nagu-umpisa ang talagang kamuwangan natin sa buhay.  Ang sabi nga nila, kumbaga sa bulaklak, ito ang tamang edad na mas mae-enjoy mo ang buhay dahil mas alam mo nang timbangin ang mga bagay-bagay sa buhay at sa lahat ng iyong nakikita sa paligid.  Mas matured na ang isipan upang magbigay ng payo at mas nagiging maingat ka na sa bawat kilos mo at pati ang paga-alaga sa sarili ay may natututukan mo na. Ito ang mga ilang tips para sa inyo.

The Pursuit of Happiness –
Ang paghahanap ng tunay na kaligayahan ay hindi natatapos sa pa

ggiging successful ng career o paga-asawa o maging ang pagkakaroon ng pamilya.   Ang kaligayan ay nagbibigay ng boost sa ating kalusugan at mapapababa ang stress level ng ating katawan.  Paniwalaan mong masarap ang mabuhay at mga enjoyable experience na maibibigay sa iyo ng malusog na pamumuhay.  Kahit hindi mo alam kung paano maging masaya, pilitin mo sa pamamagitan ng pagpunta sa mga events o gatherings na kasama ang malalapit na kaibigan.  Ang positive attitude ay isa sa pinaka-importanteng factor upang maging masaya ka.

Don’t Run From Novelty –
Ang iyong utak o isipan ay gusto ng bagong esperience at masayang pakiramdam. Tulad halimbawa ng bagong aktibidad o bagong grupo ng kaibigan, o maging bagong gamit o bagong pagkaing titikman.  Lahat nang iyan ay nagre-register sa iyong utak.  Kung ang sinubukan mong pagkain ay nagbigay satisfaction sa iyo ay nagre-register ito sa iyong utak ay magiging maganda ang iyong pakiramdam. Ang utak natin ay patuloy na bumubuo ng iba’t ibang koneksiyon para maging satisfied ang iyong katwan o utak kung gagawin mo ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa.

Be Your Own Cheerleader-
Kadalasan ay mas mahigpit tayo sa ating sarili kesa sa ibang tao.  Guguhol tayo ng mahabang oras upang makapagluto ng masarap at healthy na pagkain para sa isang kaibigan, samantala, tayo ay masaya nanag kakain sa isang fastfood.  Likas sa isang tao ang ganyan kaya lagi kang maging positibo at magkaroon ng blib sa sarili.  Dapat nating bigyan ng importansiya ang ating sarili para mas tumaas ang ating self esteem.

Become A Social Butterfly-
Ayon sa pananaliksik, ang mga socially connected daw ay mas mahaba ang buhay.  Ito ay upang palisin ang salitang “Depression.”  Habang tayo ay nagkaka-edad, ang pakiramdam nating ay wala na tayong halaga.  Pero ang isang bagay na pwedce mong i-offer ay ang iyong tenga sa pakikinig at pagbibigay ng payo, ang abilidad na mapatawa ang kausap.  Lahat tayo ay may espesyal na abilidad upang mapasaya ang mga kaibigan.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *