Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Kulawong Talong

Ang kulawo ay isang paraan ng pagluluto kung saan ang karne o gulay, at gata ay magkahalo. Ang gata kung saan ang niyog na pinanggalingan nito ay iniihaw sa uling para mas malasa kapag ginataan. Ito ay ay popular sa Laguna at Quezon kung saan ang niyog o buko ay sagana. Kadalasan, ang gulay na ginagamit sa pagluluto nito ay puso ng saging, bulaklak ng saging at talong pero tulad ng ginataan, may iba pang klase ng gulay ang pwedeng gamitin sa ulam na ito.

Sangkap:
  • Inihaw na talong
  • 8 pirasong Chinese eggplants
  • Asin
  • Inihaw na Coconut Cream (galing sa buko)
  • 250g kinayod na laman ng buko (coconut thread)
  • 1 can coconut milk 400 ml (gata)
  • 1 can coconut cream 200 ml (gata)
  • 2 kutsarang coconut o cane vinegar
  • 2 pirasong siling labuyo, tadtarin
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 1-pulgadang laki ng luya, hiwaing manipis
  • 2 pirasong maliit na sibuyas, tadtarin
  • Patis
  • Paminta
  • Mantika
Paraan:
  1. Tusukin ng tinidor ang talong at lagyan ng asin at itabi.
  2. Ihanda ang uling pang-ihaw at ihawin ang talong (maaari ring gamitin ang inyong stove sa pagiihaw).
  3. Pag luto na ang talong, hayaang lumamig at saka alisin ang balat at itabi.
  4. Paghaluin ang kalahati ng laman ng buko at gata, hayaang sipsipin ng laman ang gata at ilagay sa baking tray at i-bake sa ilalim na 200C na temperatura ng oven hanggang magkulay brown ang laman. Alisin mula sa oven at itabi.
  5. Igisa ang bawang, sibuyas at luya sa isang malaking kawali.
  6. Ihalo ang natitirang coconut milk, coconut cream at inihaw na laman ng buko. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto sa mahinang apoy.
  7. Gamit ang pinong pangsala, salain ang sabaw at ilagay sa ibang pan. Ilagay ang talong at durugin ng kaunti ang talong at hayaang kumulo sa karagdagang 2 minuto at lasahan ng patis at paminta.
  8. Budburan ng sili sa ibabaw at ihain.
Para sa iba pang recipe, bisitahin ang https://www.angsarap.net/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *