Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Konting na lang

Sa loob ng labing-apat na taon ay tila matutuldukan na ang mahabang serye ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Para kay chief negotiator Marvic Leonen, ang pamahalaan ay napakalapit na sa huling hakbang nito sa oras na pirmahan ng MILF ang mga kasunduang inilatag ng kabilang panig. Kapag napirmahan na, ang Autonomous Region on Muslim Mindanao (ARMM) na may kapangyarihan sa mga probinsya ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi ay magkakaroon ng bagong “political identity” at maaaring pangalanan ang rehiyon bilang Bangsamoro Juridical Entity (BJE). Bagamat nagdadalawang-isip pa ang MILF sa mga huling hakbang ng gobyerno, positibo naman ang pamahalaan na bago umalis sa pwesto si Pangulong Aquino sa 2016 ay matatapos na ang lahat ng ito. (Philippine Daily Inquirer)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *