Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Kapana-panabik na mga eksena patuloy na inaabangan ng mga manonood sa “La Luna Sangre”

Mainit na inaabangan, tinutukan, at pinag-uusapan ng mga manonood sa loob at labas ng bansa ang epic saga na “La Luna Sangre,” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernaardo, Daniel Padilla, at Richard Gutierrez, na mayroong espesiyal na partisipasyon nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz, mula nang ipalabas ang teleserye noong June.

Ayon sa datos mula sa Kantar Media Television Audience Measurement (TAM), isang local viewership measurement company, ang unang dalawang linggo ng programa ay nakakuha ng average national TV rating na 34.1%. Sa TFC online (TFC.tv) patuloy pa rin itong bahagi ng most viewed programs.

Bukod sa pagbabalik-tambalan nina Bernardo at Padilla, inantabayanan din ng mga manonood ang unang pagbibida ani Gutierrez bilang isang Kapamilya, ang espesiyal na pagtampok nina Locsin at Cruz, at ang mahusay na pagganap ng mga child stars na sina Erika Clemente at Justin James Quilantang.

Samantala, pinag-usapan din online ang pagsisimula ng teleserye. Katunayan, nag-trending ang hashtag ng pilot episode nito na #LaLunaSangreAngSimula sa buong mundo sa Twitter, matapos bumuhos ang papuri ng netizens tungkol sa magarang produksyon nito. Dito naman sa loob ng bansa ay pinag-usapan sa Twitter sina Angel, Mateo (karakter ni Cruz), at ang batang Tristan na si Quilantang na agad minahal ng mga tao.

That is how a pilot episode should be. I believe LLS will give us a taste of cinematic vibe every night,” sabi ni @juicewhattan.

May I say, ang ganda lang ng kulay. Hindi ko alam ang technical terms pero ang sarap sa mata. Buhay na buhay,” komento ni @CarlaJean0922.

Ramdam naman ni @jochendria ang emosyong ipinakita ng batang Tristan at sinabing, “Hats off for the little Tristan, his acting skills were super. One of Tristan’s good traits –– he loves selflessly.

Hindi rin napigilan ng singer na si Jed Madela ang pagpapahayag ng papuri sa kaniyang Twitter account. “First episode pa lang pero ang dami nang ganap! Galing!” pahayag niya.

Ipinasilip sa pilot episode ng programa ang masaya at normal na pamumuhay nina Lia (Locsin) at Mateo (John Lloyd) matapos nilang mawalan ng kapangyarihan para sa anak na si Malia. Ngunit ang tahimik nilang buhay kasama ang mga tao, bampira, at lobo ay magagambala dahil sa planong paghahari ni Sandrino (Gutierrez).

Ngunit,upang siya ay makapaghari, kailangan niyang paslangin ang itinakda, ang anak nina Lia at Mateo na si Malia.

Sa pagpapatuloy ng kuwento nina Malia at Tristan, mas marami pang mga pangyayari ang magaganap sa kanilang mga buhay. Huwag palampasin ang mga kapanapanabik na mga kaganapan sa epic action-romance series na “La Luna Sangre”, na napapanood sa labas ng bansa via TFC. Maaaring balikan ang mga nagdaang episodes via TFC online (TFC.tv) at TFC IPTV sa key countries worldwide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *