Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Kaldereta with Peanut Butter

Sangkap:
  • 1 kg beef ribs, pang- laga, hiwaing pakuwadrado
  • 2 pirasong katamtamang laki ng patatas, hiwaing pakuwadrado at i-deep fry
  • 2 katamtamang laki ng carrots, hiwaing pakuwadrado
  • 1 malaking, bell pepper, hiwain
  • 1 malaking lata ng tomato puree
  • 3 kutsara ng tomato paste
  • 2 kutsarang peanut butter
  • 2-4 siling maliit (red birds eye chillies), hiwaing
  • 3 tasang beef stock
  • 3 pirasong laurel (bay leaves)
  • 1 sibuyas na pula, tadtarin
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • paminta
  • asin
  • mantika

Paraan:

  • Sa kaserola, painit ang mantika at igisa ang bawsang hanggang medyo malutong at mag-brown. Alisin mula sa kaserola at itabi.
  • Ilagay ang sibuyas at igisa.
  • Idagdag ang beef/mutton at haluin hanggang mag-brown.
  • Ihalo ang sabaw ng sabaw ng beef (beef stock) at laurel (bay leaves), pakuluin.
  • Ihalo ang tomato puree at carrots at hayaang kumulo sa loob ng 1½ hour sa mahinang apoy o hanggang ang beef ay lumambot, magdagdag ng tubig kung kinakailangan.
  • Ilagay ang peanut butter at ituloy ang pagpapakulo sa loob ng 15 minuto.
  • Ilagay ang tomato paste, bird’s eye chillies at bell pepper (capsicum) at pakuluin sa karagdagang 15 minuto.
  • Ihalo ang patatas at lasahan ng asin at paminta. Ilagay sa ibbaw ang piniritong bawang at ihain.

 Thank you: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *