Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

K-12 Training para sa OFWs

Tinuturuan na ng Department of Education (DepEd) ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan na maging tagapag-alaga o caregiver.  Ayon sa Kamara, nakakuha ng module sa curriculum ang isang mambabatas na inihanda ng DepEd para sa kanilang K-12 program na sinimulan nang ipatupad.  Ayon kay Palatino, kabilang sa mga subject na ituturo sa K-12 program ay Vocational & Technical Education kung saan 24 vocational at technical courses ang pagpipilian ng mga paaralan na iba-base sa kanilang pangangailangan ng kanilang lugar.

Pipili ang isang school ng 8 sa 24 Voctech subject  kung saan kabilang dito ang caregiving course o pag-aalaga, household o domestic helper, masonry, tailoring, dressmaking, electrical course, aquaculture, agriculture, aircon technician, nail care o manikurista, paggugupit at kung anu-ano pa.  Sinabi ng kongresista, walang ibang pupuntahan ng mga kursong ito kundi sa ibang bansa kaya hindi makakaahon ang mga Filipino lalo na ang mga limitado ang pinag-aralan kundi magpaalila sa ibayong dagat.- (Abante-Tonite)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *