Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Jueteng, P50-M ang kinukuha

Ibinulgar ni Senator Panfilo Lacson na umaani ng P50 milyon ang mga illegal operators ng jueteng araw-araw.  Aniya, pino-protektahan pa ito ng ilang kasapi ng Philippine National Police (PNP) kung saan ang isang regional director ay tumatanggap ng dalawa hanggang tatlong milyong piso samantalang ang provincial director naman ay nakakakuha ng P500,000 hanggang P1.5 milyon. Ayon sa senador, mahirap supilin ang jueteng sa bansa dahil ginagamit ng mga operators na ito ang prangkisa sa maliliit na loterya (o small town lottery, STL) upang magmukhang legal ang kanilang operasyon. Suhestiyon ni Lacson sa suliraning ito ay magsagawa ng inspeksyon ang Philippine Charity Sweepstakes Office sa mga STL at multahan ng Php 100 milyon kung ito ay makumpirmang isang jueteng operation site. (Philippine Daily Inquirer)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *