Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Judy Ann Santos-Agoncillo balik-telebisyon sa bagong season ng “Bet on Your Baby”

Nagbalik telebisyon si Judy Ann Santos-Agoncillo sa pag-uumpisa ng pinakabagong season ng ABS-CBN cutest game, “Bet On Your Baby,” na nagsimula ang game show noong May 13.

Excited si Judy sa pagbabalik-telebisyon matapos mapahinga nang higit isang taon para maging “Queen” ng kaniyang pamilya nang isilang niya ang pangatlong supling na si Luna.

Napakasaya ko na gumawa ulit ng isang show na malapit sa puso ko. May mga bagong pasabog, pa-cute nang slight, na aabangan lingo-lingo,” ani Juday, ang pangalan na madalas na itawag sa kaniya ng fans.

Kabilang sa mga pasabog na ito ay ang pagkakaroon ni Juday ng bagong kasama — ang digital mascot na si Piggy Bangs. Bawat chikiting na maglalaro ay magiging bahagi rin ng Baby Club, kung saan ma-e-enjoy nila ang mga eksklusibong perks at access sa show.

Magsisimula ang laro sa pagsabak nila paisa-isa sa Game Round kung saan haharap ang kids sa iba’t ibang challenges sa loob ng Baby Dome. Kinakailangang mahulaan ng kanilang magulang kung hanggang saan magagawa ng kaniyang chikiting ang challenge para magwagi ng Php 10,000. Makakakuha naman ng Php 5,000 consolation prize kahit sa mali ang sagot.

Sa second elimination round magkakaroon ng “Watcha Makulit.” Ang unang pamilya na makakakuha nang tamang sagot ang siyang aabante sa jackpot round.

Para sa jackpot round, mayroong tatlong pagkakataon sina mom, dad, at baby na mahanap at mabasag ang piggy bank na naglalaman ng Php 1 million.

Bukod sa mga cute na mga chikiting na nakikilala sa “Bet on Your Baby,” marami na rin itong binagong buhay sa mula noong magsimula ito noong 2013. Katunayan, sa dalawang season na ginawa na nito, 11 na batang milyonaryo o tinawag na Babynaryos na ang pinangalanan at nag-uwi ng jackpot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *