You are here
Home > Showbizz > Joshua Garcia at Julia Barretto, Masaya sa Kanilang Relasyon

Joshua Garcia at Julia Barretto, Masaya sa Kanilang Relasyon

Maganda ang nagdaang taon para kina Joshua Garcia at Julia Barretto dahil sa success ng kanilang mga projects as loveteam. Isa na sa sikat na loveteam ang “JoshLia” at marami sa kanilang mga tagahanga ang kinikilig sa kanila sa tuwing makikita sila sa silver screen. Sa mga naunang ka-loveteam nila na hindi kinagat ng tao, mukha dito ay naging perfect ang kanilang kumbinasyon. At marami ang nagsasabing bagay na bagay ang dalawa maging sa totoong buhay. Siyang tunay, mukhang hindi na itinatago nina Julia at Joshua ang kanilang relasyon dahil maging sa social media ay nakikita ang sweetness nila sa isa’t isa. Ang loveteam na ito ang maraming humuhulang magtatagal dahil may rapport sila sa isa’t isa.

Leave a Reply

Top
%d bloggers like this: