Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Jodi Sta. Maria, umaming nag-drugs noon

jodi-sta-maria

Hindi na inaksaya ni Jodi Sta. Maria ang pagkakataon upang aminin na siya ay dating nalulong sa masamang bisyo. Sa panahon kasi ngayon, hindi natin alam kung ang listahang ilalabas ng PNP na artistang gumagamit ng droga ay mapasama ang pangalan ni Jodi kahit na ito ay lumang isyu na. Subalit matapang na inamin ni Jodi ang mapait na nangyari sa kanya noon. Ibinahagi ni Jodi ang mapait na karanasan niya sa pag-ibig ang nagtulak sa kanya noon upang mapabaling sa droga at alak; ilang taon matapos ang hiwalayan nila ng kanyang dating asawa na si Panfilo Lacson Jr. o mas kilala bilang Pampi Lacson. Sa kabila ng kasikatan ng aktres sa kanyang karera, nasabi ng pangunahing bida sa “Dear Other Self” na ang kanyang tagumpay at kasikatan ay tila walang saysay noon.

“Before becoming a workaholic, I became an alcoholic. I drank day and night. I even drank during tapings, ang gusto ko kasi masolusyunan ‘yung feeling ko of pain and emptiness’. When alcohol wasn’t enough, I turned to drugs. I felt empty. I pretended to be okay when the truth is hindi naman talaga. I was in and out of bad relationships that left me all the more wounded and broken,” turan ng aktres. Sinabi ni Jodi na muli niyang naayos ang kanyang sarili at nagsimula muli; ito ay mula nang siya ay naging Christian. Pinasalamatan ni Jodi ang beteranang aktres na si Coney Reyes, dahil sa panghihikayat nito sa kanya na dumalo sa simbahan. Matatandaang nagkasama ang dalawa sa dating teleserye na “100 Days to Heaven.” Ngayon ay maayos na muli ang buhay ng aktres at marahil ang dahilan ng kanyang paglantad ay upang magsilbing-aral sa lahat ng kabataan na nalulong sa masamang bisyo na may tsansa silang magbago at baguhin ang takbo ng kanilang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *