Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Inutak

Sangkap:

• 2 tasang glutinous rice flour
• ¼ tasang purple yam powder
• 4 tasang coconut milk
• ½ tasang coconut cream
• ⅔ tasang asukal
• ¼ kutsaritang asin
• 1 kutsaritang vanilla
• purple food color
• vanilla o tube ice cream (serving size)
• dahon ng saging (banana leaf)

Paraan:

1. Sa isang mixing bowl, pagsama-samahin ang glutinous rice flour, asukal, asin at coconut milk. Haluing mabuti hanggang matanggal ang mga buo-buo sa mixture.
2. Hatiin sa dalawang mixture.
3. Sa isang hati ng mixture ay ihalo ang purple yam powder at idagdag ang purple food color para makuha ang kulay ube. Magiging dalawa ang mixture. Ang purple mixture at white mixture.
4. Sa dalawang magkaibang pan, ibuhos ang dalawang hinating mixture. Lutuin habang hinahalo hanggang lumapot at maging oily at makinis.
5. Ibuhos ang purple mixture una sa dahon ng saging na nakalatag sa baking pan (gumamit ng 7 inch na pan), pagkatapos ay ang white mixture. I-press para ma-flatten at magpantay.
6. Ibuhos ang coconut cream sa ibabaw at i-bake sa pinainit na 180C sa loob na 15 minuto at itaas ang init sa 230C na naka-set sa grill o broil mode at iluto hanggang ang ibabaw ay magkulay golden brown.
7. Hayaang lumamig at ihain kasama ang vanilla o ube ice cream sa ibabaw.

Thank you: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *