Imbaliktad

Ito ay isang klase ng pulutan na madalas niluluto sa Baguio dahil sa malamig na klima. Para sa kababayan natin, hindi lang pampulutan kundi maaari rin ulam na sasamahan ng kanin. Madaling lutuin at hindi na kailangan ang mahabang preparasyon. Ito ang pulutang masarap at mabilis gawin.

Sangkap:
  • 500 g beef rump steak, hiwain nang maninipis at pahaba
  • 6 piraso ng bawang, pitpitin at hiwain nang maliliit
  • 1 sibuyas na pula, tadtarin
  • 1 maliit na piraso ng luya, hiwain nang pahaba at manipis
  • 1/3 tasang cane vinegar
  • 2 tangkay ng sibuyas na mura, tadtarin
  • 2 pirasong siling labuyo, hiwain
  • asin
  • paminta
  • mantika
Paraan:
  1. Painitin ang kawali at ilagay ang mantika, kapag medyo nag-uumpisa nang umusok ay ilagay ang beef, bawang, sibuyas, luya, siling labuyo at sibuyas na mura. Igisa sa loob ng 2 minuto.
  2. Panatilihin ang mataas na temperatura ng apoy at ihalo ang suka at hayaang kumulo.
  3. Lasahan ng asin at paminta at ihain.

Leave a Reply

%d bloggers like this: