Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Ika-10 taon ng DZMM TeleRadyo, tuluy-tuloy sa paglunsad ng “Good Vibes” at “On the Spot”

Bilang bahagi ng dalawang dekada nitong pagseserbisyo, naglunsad kamakailan ng dalawang bagong programa ang DZMM TeleRadyo: ang “Good Vibes” ni Niña Corpuz at ang “On The Spot” nina Vic Lima at Toni Aquino, na mapapanood sa labas ng bansa via TFC sa key countries worldwide.

Sampung taon nang nagbibigay ng napapanahon at kapaki-pakinabang na impormasyon ang DZMM TeleRadyo sa bawat Pilipino. Kaya naman patuloy silang naglulunsad ng mga bagong programa na magbibigay ng mga impormasyong kakailanganin ng mga Pilipino sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Isa na rito ang “Good Vibes”, isang programang pangkalusugan na magbibigay ng mga tips para sa pangangalaga sa bahay, mga praktikal na solusyon sa pang-araw araw, at tulong pangkalusugan.

Bukod kay Corpuz, makakasama rin isang beses sa isang linggo si Dra. Luisa Puyat upang magbahagi ng kanyang kaalaman pang-medikal at mga kwento hinggil sa mga proyekto ng DZMM Teaching Learning and Caring.

Ayon kay Corpuz na mula sa programang “Magandang Gabi Dok,” malaking oportunidad ang programa upang siya ay makapaghatid ng saya at makapaglingkod sa mga Kapamilya. “Nandito kami para magserbisyo sa bawat pamilyang Pilipino, para mas maaalagan nila ang kani-kanilang mga sarili at pamilya”, pahayag niya.

Ibinahagi rin ni Corpuz ang ilang topics na tatalakayin nila sa programa: “Mayroon po kaming mga parenting tips; life hacks para sa mga nanay sa bahay upang mas mapadali ang kanilang mga buhay, lalo na ang mga misis; mga lolo at lola, at mga senior citizen. Madalas ay nakakalimutan na natin sila at maigi na makatulong tayo sa kanila at makapagbigay ng saya para mas makapag-enjoy sila sa kanilang mga buhay”.

Samantala, ang “On The Spot” naman ay maglalahad ng mga importanteng balita na ilalahad nina Lima at Aquino mula sa ABS-CBN news gathering team at Radyo Patrol at Regional reporters na nagpapatrol sa iiba’t ibang parte ng Pilipinas. Gagawin nilang payak ang pagtalakay sa iba’t ibang napapanahong isyu’t kaganapan upang mas madali itong maunawaan ng bawat Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *