Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Ian Veneracion: The Ultimate Hunk

Mahigit 30 taon na ang nakakaraan nang unang makita sa telebisyon ang maamong mukha ng isang mestisuhing bata sa sitcom na “Joey & Son” na pinangunahan ni Joey De Leon.  Siya ay si Ian Veneracion. Bukod sa halos 50 pelikula na kanyang ginawa, si Ian ay isa rin painter, athlete, piloto, chef at higit sa lahat – family man.

Mula sa pagiging child star, nasilayan ng mga manonood ang transisyon ni Ian mula sa pagiging matinee idol, action star at dramatic actor. Ilan sa mga pelikulang natatak sa manonood ay ang “Anak ng Demonyo” at “El Presidente.

Masaya ang dalawang mundong ginagalawan ni Ian, bilang isang hinahangaang aktor sa showbiz at bilang isang pintor na namana niya mula sa kanyang ama, bilang isang athlete at higit sa lahat ay bilang asawa at ama sa kanyang tatlong anak kay Pam Gallardo. Taong 1994 nang magpakasal si Ian at mabiyayaan ng tatlong anak. Inamin niya na kakaibang kaligayahan ang kanyang nararamdaman kapag kasama niya ang kanyang mga anak. Priceless, ika nga. Isang typical na ama na kasama ang mga anak sa paglalaro sa labas, out of town trips at iba’t ibang aktibidades kasama ang pamilya. At hindi basta simpleng aktibidad ang kinagigiliwang gawin ng pamilya ni Ian, nandyan ang paragliding, motocross, fishing at pagbisita sa iba’t ibang museo.

Sa showbiz naman, hindi na kaila sa marami na si Ian ang isa sa pinakagwapong artista.  Parang walang nagbago, sa paglipas ng panahon ay mas lalong tumingkad ang kanyang kakisigan. Ito ay marahil ay dala ng kanyang pagiging aktibo sa sports. Hindi niya pinabayaan ang kanyang pisikal na anyo at ang tingin nga ng marami ay parang mga kabarkada niya ang kanyang mga anak.

“I run at least two miles every day, and I also watch my food intake. I also like boxing, since it is a thorough cardio exercise. This is also a good time to be healthy, since I’m technically in my midlife phase,” pag-amin ni Ian.

Sa lumipas na taon at sa mga pagtanggap-tanggap ng supporting roles ay hindi totally in-abandona ni Ian ang showbiz. Hindi rin naman niya ito bread and butter, kapag may roles na bagay sa kanya ay nandiyan siya, sa pelikula man o sa telebisyon. Naging turning point muli ng career ni Ian ay nang i-offer sa kanya ng ABS-CBN ang role bilang Eduardo Buenavista sa remake ng primetime series na “Pangako Sa‘Yo.” Dito ay katambal niya si Jodi Sta. Maria. Naalala ni Ian na nung unang i-offer sa kanya ang role ay na-excite siya dahil muli niyang makakatrabaho ang kaibigang direktor na si Rory Quintos kung saan ang pagkakaibigan nila ay nagsimula pa sa pelikulang “Saan Darating ang Umaga” at ang local adaptation ng “Maria La Del Barrio.” Bukod kay Rory ay honored din siya na makatrabaho ang batikang direktor na si Olive Lamasan at Dado Lomibao.

Naging instant hit sa mga televiewers ang pagbabalik ni Ian bilang si Eduardo Buenavista sa “Pangako Sa’Yo.” Naging bukambibig at hinangaan. Hindi rito nagtapos ang tambalan nila ni Jodi Sta. Maria dahil gumawa sila ng pelikulang isinali nila sa Metro Manila Film Festival, ang pelikulang “All You Need is Pag-ibig.” Sinundan pa ito ng pelikula kasama niya sina Richard Yap at Jodi, ang “The Achy Breaky Hearts.

Sabi nga ng iba ay ito ang naging second coming ni Ian Veneracion sa showbiz. Muling nabuhay ang kanyang career na hindi naman nating masasabing natulog dahil nga sa nandiyan lang siya at nakikita ng manonood sa mga serye ng ABS-CBN kahit guestings lang. Makita pa lang ang mukha ni Ian sa screen ay kinikilig na ang mga manonood. Masasabi nating siya ang Ultimate Hunk sa ngayon.

Ang pinakabagong teleserye ni Ian ngayon ay ang “A Love To Last” kung saan katambal niya si Bea Alonzo. Tanggap na tanggap na ngang muli ng mga kababaihan, bata man o matanda, si Ian at siya ang bagong pantasya ng bayan.

Sa pagiging busy niya nowadays, may time pa kaya siya sa kanyang pribadong buhay?

“I’m well aware of that, and I also believe that it’s all about managing your time well. Don’t we always find time to do the things that truly makes us happy?”  pagtatapat ni Ian. Tama nga naman, kahit gaano ka pa ka-busy ay maghahanap ka talaga ng panahon para sa iyong sarili at sa iyong pamilya.

Para sa isang Ian Veneracion na halos buong buhay niya ay natuon na rin sa pagitan ng showbiz at pamilya, mayroon pa ba siyang masasabing regrets?

Lahat ng ito ay tungkol sa desisyon. Ikaw ang magdedesisiyon kung ano ang makakapagpaligaya sa iyo. Ikaw rin ang pipili kung saan sa tingin mo ka mag-e-excel. Maging sa pamilya, ikaw rin ang pipili kung sino ang iyong mamahalin at pipiliin na bubuo ng iyong pamilya, maging sa mga kaibigan, ikaw ang pipili kung sino at anong klase ng kaibigan ang gusto manatili sa iyong circle.”

“Bilang aktor, ikaw ang magdedesisyon kung anong klaseng papel ang iyong gagampanan at kung sa tingin mong ito ay makakapagpaligaya sa iyo.”

“Lahat ng ito ay pare-pareho kahit kanino, kahit saan. Lahat tayo ay may sariling desisyon. Hindi mo dapat panghinayangan ang mga desisyon mo, tama man o mali dahil dito ka natututo.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *