How to relieve back and neck pain

Back Pain

Sampung paraan upang mabawasan ang sakit sa likod at leeg

Karamihan sa atin ay nakararanas ng sakit ng balakang o likod paminsan-minsan, anu-ano nga ba ang dapat gawin upang maibsan ang sakit na ating nararamdaman?

1. Take a walk. Gawing regular ang ehersisyo sa pamamagitan ng paglalakad dahil pinalalakas nito ang ating muscle tone at nakakatulong upang mabawasan ang stress sa ating katawan. Karamihan sa atin ay laging nakaupo at nanonood ngtelebisyon o di kaya sa harap ng computer na hindi nakakatulong sa ating likod. Kung may pagkakataon, ugaliing ipahinga ang inyong mata at i-stretch ang binti sa pamamagitan ng paglalakad. Hindi lang mabuti sa inyong kabuuang kalusugan ang paglalalakad, nababawasan pa nito ang pagsakit ng likod dulot ng pagkakaupo ng matagal na oras.

2. Breathe deeply. Seryoso. Isang malaking buntung hininga ay nakakatulong upang mabigyan ng tamang oxygen o hangin ang ating lungs at makakatulong din na mapaupo ka ng diretso kapag huminga ng malalim.

3. Give yourself time to relax. Kapag dumating na sa puntong ang inyong trabaho at lugar ng pinagtatrabahuhan ay nagiging stressful na para sa yo, bigyan ng pagkakataon ang sarili na magpaghinga at mag-relax. Ang pananakit ng leeg o balikat ay tanda na ikaw ay nai-stress na. Pagbabad sa bathtub na may aroma therapy oil, masahe ng buong katawan o sa kabuuan, ang pagbibigay ng oras sa sarili ay makakatulong ng malaki upang ma-de-stress.

4. Get a regular massage. Kadalasan, kapag inaabuso natin ang ating sarili sa sobrang pagpapakapagod, ang ating katawan ang nagbabayad. Makakaramdam tayo ng paninigas ng muscles o pulikat, panghihina ng katawan, pagkakasakit at iba pa. Ang mga ito ay nangyayari kung hindi natin binibigyan ng pagkakataon ang ating sarili na magpahinga o mag-relax. At kapag hindi natin tinigilan ang paga-abuso sa ating sarili, makakaramdam na rin tayo ng pananakit ng likod na madalas ay tumutungo sa mas seryosong usaping pangkalusugan. Paminsan-minsan ay dapat na masahihin ang mga naninigas na muscles o ugat sa ating katawan para mapanatili ang maayos na daloy ng dugo.

5. Eat well. Kapag ikaw ay nagmamadali o gustong tapusin ang nakabinbing trabaho, nakakalimutan mong magpahinga o kumain kapag lunchbreak. Madalas sasabihin mong gusto mong tapusin ang trabaho mokaya’t hindi ka nja kumakain ng lunch. At kung kakain ka man ay mas madalas na junk food ang iyong kinakain. Soft drinks at chips ay hindi makakatulong dahil ang fat, sugar, salt at kemikals na sangkap ng mga junk foods na ito ay magdudulot lamang ng karagdagang pressure sa iyong sistema na nagpapagdagdag ng stress. Samantala, may mga pagkaing tulad ng oats na may sangkap na anti-inflammatory at mga prutas at gulay na mataas sa mineral tulad ng potassium at magnesium ang makakatulong upang maibsan ang pananakit ng muscles sa inyong likod at leeg upang ito ay ma-relax.

6. Try some yoga, pilates or tai chi. Matutong pumili. Humingi ng rekomendasyon mula sa isang health care professional bago gawin ang isang klase ng ehersisyo kung ikaw ay may neck at back pain. Gawin ang mga ehersisyo na magpo-focus sa stretching, breathing upang makatulong sa iyong leeg at likod.

7. Change it up. Kahit na anong bagay na ginagawa ng paulit-ulit o ginagawa sa mahabang oras ay maaaring magdulot ng pinsala sa atin. Kung ikaw ay nagtatrabaho ng mahabang oras sa harap ng computer, dapat ay paminsan-minsan ay tatayo ka o ikikilos ang katawan para makapag-stretch.

8. Bend your knees. Marami ang nagsasabing kapag ikaw ay may dadamputin mula sa sahig, dapat ay i-bend mo ang iyong tuhod para hindi mahirapan ang iyong likod kung ikaw ay yuyuko. Isa pang paraan upang protektahan ang likod ay kapag may bubuhating mabigat na bagay ay gamitin ang muscles ng tiyan dahil ito ang magpo-protekta sa inyong buto sa likod at sa balakang.

9. Buy a good mattress and pillow. Kadalasan, kapag walang pasok sa trabaho, mas gusto nating nakahiga sa kama. Ang isang unan na gawa sa mumurahing foam o unan na gawa sa feathers ay hindi makakatulong sa suporta sa inyong leeg. Maraming klase ng unan na mabibili na tamang gamitin, tulad ng gawa sa latex. Siguruhing hindi ito sobrang lambot. Laging tatandaan, hindi baleng bumili ng mamahaling foam sa kama o unan, dahil ang mga ito ang siguradong maganda ang klase at makakatulong sa inyong leeg o likod.

10. Don’t sleep on your stomach. Madaling sabihin na hindi ka matutulog na nakadapa pero dapat nang tanggalin ang ganitong nakaugalian. Maaaring hindi mo mararamdaman dahil bata ka pa pero kapag ikaw ay nagka-edad na ay dito mo mararamdaman ang pananakit ng leeg.

Leave a Reply

%d bloggers like this: