Home > Health > How to Get Rid of Sore Throat at Home

How to Get Rid of Sore Throat at Home

How to Get Rid of Sore Throat at Home

Lahat tayo ay nakakaranas ng pananakit ng lalamunan ( sore throat) at sigurado akong kapag may sore throat kayo, kadalasan paggising sa umaga, ay sobrang sakit nito at nahihirapan tayong lumunok. Mas madalas na nawawalan tayo ng ganang kumain dahil sa nararamdaman. Kaya may mga ilang tips tayo kung paano maiibsan o maaalis ang pamamaga ng lalamunan;

Sore Throat Home Remedies

May mga ilang gamot na mabibili over- the- counter (OTC) upang maibsan ang pamamaga ng lalamunan pero mas mabuti sigurong gumamit muna ng pang-unang lunas na magmumula s ainyong tahanan. Kadalasan sa mga gamot na ito ay may mga kemikal at hindi mo alam kung ano ang magiging side effect nito sa iyo. At kung aabusuhin ay baka mas lalo pang makasama imbes na makatulong sa inyong kalusugan.

Ang home remedies, sa kabilang banda, ay mas ligtas dahil ito ay natural na panlunas at mas praktikal dahil hindi ka na pupunta pa sa botika dahil makikita mo ito sa kusina ng inyong tahanan.

Ang isa sa pinakamahusay ay ang mainit na tsaa na may honey. Ito na siguro ang isa sa pinaka-klasikong paraan upang malunasan ang sore throat. Ang dahon ng tea ay may natural na epekto na nakakapagbigay ginhawa sa iritableng lalamunan. Ang paglalagay ng honey ay magbibigay ng konting proteksiyon sa namamagang lalamunan.

Isa pang paraan para maalis ang sore throat ay sa pamamagitan ng pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin. Pwede ring magmumog ng warm water na may cayenne pepper. Maglagay ng 1 kutsaritang cayenne pepper sa 1 basong tubig para mabawasan ang pamamaga ng lalamunan. Siguruhing magmumog ng 2 hanggang 3 beses sa isang araw o mas madalas para maibsan ang sakit ng lalamunan.

Ang lemon juice at honey mixture ay isa ring mabisang natural na gamot para sa sore throat. Ang juice mula sa lemon ay mabisang gamot sa namamagang lalamunan. Maaari itong inumin ng maraming beses hanggang sa matanggal ang sore throat.
Ang pagkain ng ice cream ay isa ring mabisang paraan upang makatulong sa pagtanggal ng sore throat. Ang malamig na elemento ng ice cream ay nagbibigay ginhawa sa iritableng lalamunan.

How to Get Rid of Sore Throat through Prevention

Ang mabisang paraan upang hindi magka-sore throat ay ang prebensiyon o pag-iwas na magkaroon nito. Panatilihing malusog at malakas ang pangangatawan sa pagkain ng mga pagkaing mayaman sa bitamina, mineral at protina at ang pamumuhay ng malusog. Ang sore throat ay kadalasang sanhi ng mikrobyo mula sa trangkaso, sipon at ubo. Imbes na kumain ng junk foods ay mas mabuting palitan ito ng prutas at gulay upang mabigyan ng tamang nutrisyon ang inyong katawan.

Subalit sa kabilang banda, hindi rin dapat ipawalang bahala ang pagkakaroon ng sore throat ng matagal pa sa isang linggo. Kapag ang sore throat ay tumagal ng 2 hanggang 3 linggo, dapat ay kumonsulta ka sa duktor upang matingnan maigi ang dahilan.

Here’s a short list of effective home remedies for sore throat.

  • Warm Tea. Sa loob ng mahabang panahon, ang maligamgam na tsaa ang nagbibigay ginhawa sa pamamaga ng lalamunan. Maglagay ng konting honey upang magsilbing proteksiyon ng lalamunan mula sa iritasyon.
  • Apple Cider Vinegar. Ang klase ng suka na ito ay kilala sa taglay nanatural na panggamot sa sore throat. Ihalo ang 2 kutsaritang apple cider vinegar sa 1 basong tubig at mumugin ito kada oras. Kumpara sa ibang panggamot na gargle, ito ay maaaring lulunin matapos imumog.
  • Drink more liquid. Ang sore throat ay maaari ring makuha kung sa bibig ka humihinga at nakalalanghap ng dry air. Mahalaga na panatilihing basa ang lalamunan upang maiwasan ang iritasyon at pamamaga dahil sa panunuyo. Ang pag-inom rin ng tubig ay makakatulong upang maitulak ang sipon sa lalamunan ( kung sakaling nakuha ang pamamaga ng lalamunan mula sa sipon at ubo).
  • Eat cold treats. Sabi ng ibang matatanda, kapag ikaw ay minamalat o namamaga ang lalamunan, huwag kang iinom ng malamig at bawal ang ice cream. Pero sa katotohanan, ang malamig ay nakakatulong upang maibsan ang sakit o pamamaga ng lalamunan. Maaari kumain at uminom ng malamig basta huwag sosobra. Kung kakain ng ice cream o ice drop, hayaan itong matunaw sa bibig pababa sa lalamunan at mararamdaman mo ang ginhawa.
  • Inhale cool-mist humidifier. Ang paggamit ng humidifier ay makakatulong upang mag-moist ang ilong at lalamunan. Makakatulong din ito upang mailabas ang plema na namumuo sa lalamunan.

10 Comments

  1. Tnx poh sa advice..sobrang maga na poh lalamunan quh mag 2weeks na xang ganito..nagkaron poh kc aquh ng allergy before..nung pawala na allergy quh naramdaman quh na lang tong lalamunan quh na nangangati tas nangangapal..feeling quh maraming plema sa loob pero wla nmn aqung ubot sipon..tas bigla na lang aquh nilalagnat tas masakit ung mga katawan quh..OFW poh kc aquh kaya ndi maiwasan ung sobrang pagud..halos 4 hours lang tulog quh..mas lamang ung trabaho quh kesa sa tulog..anu poh bang magandang gawin dto sa lalamunan quh..nag pacheck up na quh sa hospital bngyan aquh ng gamot..pero feeling quh ndi nmn effective ung bngay skn na gamot..anu poh bng magndang gawin dto.kc ndi rn aquh nakakalabas dto kya ndi rin aquh makabili ng gamot na pdeng ipanlunas dto.tnx poh

  2. Tuwing umaga po pag gising ko malaki po ang ilalim ng baba q at pag lumulunok aq mahirap dahil ramdam ko po na may plema kaya matigas po ang part under my chin…anu po kya dapat na gawin ?

  3. Madalas po akong paos kasi maghapon po ako nagsadalita sa trabaho araw araw, pero wala naman pong sumasakit sa lalamunan ko. Ano pong medicine ang iinumin ko?

  4. Paos po ako pero di po masakit lalamunan ku,, what should I do po? di ko kasi maiwasan na d magsalita kasi nagtuturo po ako.. tnx po

  5. Ano po.maganga gawin kasi madami.nako nainom na gamot at ilang bese n din.nagpa check up pro wlang pagbabago.wla akong at sipon at ubo.pro.maskit lalamunan ko at mahirap lumunok plagi dry.ang loob. At madam.i ko.kulani sa leeg.sna pi matulungan nyo ako tanx

  6. Thank you sa advice.. sobrang nagpproblema na ko sa magang lalamunan ko… pero ang akin kc hindi naman sya masakit pero namamaga ang right part ng lalamunan ko.. ung mga suggestion nyo po kaya is effective din? thank you.

Leave a Reply

%d bloggers like this: