Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Embassy Onwards

HINIMOK NI SEC. ALCALA ANG MGA OFWS PARA MAMUHUNAN SA AGRIBUSINESS SA PILIPINAS

The Media groups with Sec. Alacala

Noong nakaraan Hulyo 3,2013 sa Embahada ng Pilipinas, ang kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka na si Ginoong Proceso J. Alcala ay pumunta sa Tokyo upang palaganapin ang pamumuhunan sa pagsasaka at pangigisdaan sa mga Overseas Filipino Workers (OFWS) sa pagdaraos ng Agribusiness Investment Forum. Kasama ni Kalihim Alcala ay mga opisyal at eksperto mula sa iba’t -ibang ahensya ng Kagawaran na sina Ginoong Manuel R. Jarmin (Executive Director, Livestock Development Council (LDC), Department of Agriculture) at si Ginoong Clarito M. Barron (Director, Bureau of Plant and Industry(BPI),Department of Agriculture). Na nagkaroon ng questions and answer sa pagitan ng OFWs at ng mga kalihim na nabangit.

Bilang dating rin OFW, si Sec. Alcala na tagapagtaguyod ng organic at natural farming. “Hinihikayat niya ang mga OFWS na maglaan ng kanilang kita at mag negosyo sa agrikultura sa kanilang mga probinsya upang mabigyan ng magandang pagkakakitaan ang kanilang pamilya at makatulong sa pag-unlad ng ating kanayunan”. Sinabi rin nya na ang Department of Agriculture ay handang magbigay ng libreng tulong teknikal at access sa merkado sa mga negosyo ng uumpisahan ng mga OFWs.

The question and answer portion

Ang Agribusiness Investment Forum ay ginagawa ng Department of Agriculture (DA) para hikayatin ang mga OFWs at ang kanilang pamilya na bumalik sa pagsasaka at makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya sa kanayunan. Isa rin itong proyekto para makamit ng Pilipinas ang seguridad sa pagkain. 

Para sa mga OFW na interesado magnegosyo at gustong makahingi ng payo tumawag lamang po sa Philippine Embassy Agriculture Office: 03-5562-1576 at hanapin po si Dr. Samuel B. Animas ( Agriculture Attache) and Ms. Tisha Pia E.De La Rosa (Asst. Agricultural Attache)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *