Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

“Happy place, home” para kay Robredo

Tinanggihan ng pamilya Robredo ang alok ng Malacañang na ilibing ang yumaong Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo sa Libingan ng mga Bayani. Tinatanaw ng pamilya na isang malaking karangalan ang alok ngunit mas pinili nilang ilibing ito sa kanyang “tahanan”, ang Naga City, kung saan nanilbihan itong mayor ng anim na termino simula 1988. Inalala ni Leni Robredo, byuda ng kalihim, na binibiro at nagdududa pa umano ang asawa tungkol sa atensyon at pagod na binubuhos niya sa ahensya. Nang itanong kung bakit sa Naga City ililibing ang kalihim, sinagot ng asawa na hiling ito ng kalihim. Gusto ni Sec. Robredo na maalala siya ng mga tao bilang isang simpleng lalaki na may simpleng buhay. (Philippine Star)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *