Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Garlic Pepper Beef ala Jollibee

Ang mga Pilipino ay mahilig sa gravy tulad ng nasa Jollibee, McDonald’s o KFC. Hinahalo sa kanin at kulang na lang ay higupin na parang sabaw. Narito ang isang lutuin na halaw sa isang popular na pagkaing inihahain sa Jollibee.

Sangkap:
  • 1½ kg beef ribs, hiwain sa bawat seksyon
  • 6 tasang tubig
  • 2 kutsarang harina
  • 2 kutsarang butter
  • piniritong bawang
  • asin
  • paminta
  • mantika
Paraan:
  1. Hilamusan ang ribs ng asin.
  2. Sa isang malaking kawali, ilagay at painitin ang mantika. Kapag mainit na ay ilagay ang ribs at haluin hanggang ang lahat ng side nito ay maging brown. Hanguin at itabi.
  3. Ihanda ang kaserola, ilagay ang ribs kasama ang pinagprituhan nito mula sa kawali. Lagyan ng tubig kasama ang 3 kutsarang piniritong bawang at 1 kutsarang paminta. Pakuluin at kapag kumulo na ay hinaan ang apoy at hayaang kumulo sa loob ng isa’t kalahating oras. Habang patuloy ang pagpapalambot ng ribs ay i-check ang tubig at dagdagan kung kinakailangan. Kapag malambot na ang ribs at marami rin tubig ay lakasan ang apoy para mabawasan ang sabaw sa halos 3 tasa ang dami.
  4. Kanawin sa 1/2 tasa ng tubig ang harina at ibuhos sa kumukulong sabaw at pakuluin sa karagdagang 15 minuto sa mahinang apoy. Hayaang lumapot ang sabaw.
  5. Ilagay ang butter at haluin at lagyan ng asin kung kinakailangan at paminta. Patayin ang apoy at ilagay sa ibabaw ang piniritong bawang.

Thank you: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *