Garlic Pepper Beef ala Jollibee
Ang mga Pilipino ay mahilig sa gravy tulad ng nasa Jollibee, McDonald’s o KFC. Hinahalo sa kanin at kulang na lang ay higupin na parang sabaw. Narito ang isang lutuin na halaw sa isang popular na pagkaing inihahain sa Jollibee.
Sangkap:
- 1½ kg beef ribs, hiwain sa bawat seksyon
- 6 tasang tubig
- 2 kutsarang harina
- 2 kutsarang butter
- piniritong bawang
- asin
- paminta
- mantika
Paraan:
- Hilamusan ang ribs ng asin.
- Sa isang malaking kawali, ilagay at painitin ang mantika. Kapag mainit na ay ilagay ang ribs at haluin hanggang ang lahat ng side nito ay maging brown. Hanguin at itabi.
- Ihanda ang kaserola, ilagay ang ribs kasama ang pinagprituhan nito mula sa kawali. Lagyan ng tubig kasama ang 3 kutsarang piniritong bawang at 1 kutsarang paminta. Pakuluin at kapag kumulo na ay hinaan ang apoy at hayaang kumulo sa loob ng isa’t kalahating oras. Habang patuloy ang pagpapalambot ng ribs ay i-check ang tubig at dagdagan kung kinakailangan. Kapag malambot na ang ribs at marami rin tubig ay lakasan ang apoy para mabawasan ang sabaw sa halos 3 tasa ang dami.
- Kanawin sa 1/2 tasa ng tubig ang harina at ibuhos sa kumukulong sabaw at pakuluin sa karagdagang 15 minuto sa mahinang apoy. Hayaang lumapot ang sabaw.
- Ilagay ang butter at haluin at lagyan ng asin kung kinakailangan at paminta. Patayin ang apoy at ilagay sa ibabaw ang piniritong bawang.
Thank you: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/