You are here
Home > Gourmet Galore > Gambas con Kabute

Gambas con Kabute

Sangkap:
  • 500 kg malaking hipon (prawns), may balat
  • 12 pirasong white button mushrooms, hiwain
  • 1 siling pula (red capsicum), hiwaing pahaba (julienned)
  • ½ lemon juice
  • 1½ tasang tubig
  • 1 kutsarang cornstarch, kinanaw sa 3 kutsarang tubig
  • 1 kutsarang tomato paste
  • 1 kutsaritang cayenne pepper (i-adjust ayon sa inyong panlasa ng anghang)
  • 1 pirasong sibuyas na maliliit (shallot), hiwaing maliliit
  • 6 pirasong bawang, hiwaing maliliit
  • asin
  • paminta
  • mantika
  • tinadtad na parsley, pandekorasyon
  • crispy fried garlic, pandekorasyon
Paraan:
  1. Alisin ang ulo at balat ng hipon, ilagay ang mga ito sa roasting pan at ilagay sa oven at ihawin ang ulo at balat ng hipon hanggang magkulay red-brown at lumutong.
  2. Ilagay ang naihaw na balat ng hipon at ilagay sa kaserola at maglagay ng 1½ tasa ng tubig, pakuluin at durugin ang ulo at balat ng hipon. Hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto hanggang matantsang ang likido ay isang tasa na lang. Salain ang sabaw at itabi.
  3. Sa isang mangkok, ilagay ang hipon at lemon juice, ibabad ang hipon sa loob ng 15 minuto.
  4. Painitin ang kawali at iluto ang mushroom sa loob ng 2 minuto. Alisin ang mushroom mula sa kawali at itabi.
  5. Gamit ang parehong kawali, magdagdag ng mantika at ilagay ang hipon hanggang maluto at hanguin para hindi ma-overcook. Itabi.
  6. Pagkahango ng hipon, igisa ang bawang at sibuyas.
  7. Ihalo ang siling pula at cayenne pepper at igisa. Idagdag ang tomato paste at haluin at idagdag ang hipon at mushroom.
  8. Paghaluin ang sabaw ng hipon at kinanaw na cornstarch at ilagay sa kawali, pakuluin at haluin sa loob na 4-5 minuto.

Source: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Leave a Reply

Top
%d bloggers like this: