Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Fuji Shibazakura: A Festival of Flowers

Malapit sa Lake Motosu, sa ilalim na bahagi ng Mt. Fuji, ay matatagpuan ang lugar kung saan tumutubo ang shibazakura (lawn cherry) o moss phlox na karaniwang tumutubo sa Hilagang Amerika. Aabot sa 800,000 shibazakura ang makikita sa lugar, ang pinakamaraming bilang sa kalakhang Tokyo.

Tinawag itong shibazakura sa Japan dahil sa pagkakahawig nito sa cherry blossoms na tumatakip sa lawn.

Ngayong Abril 16 hanggang Mayo 29 ay gaganapin ang “Fuji Shibazakura Festival” na magbibigay ng nakakaakit na kulay puti, pula, lila at rosas sa nakakamanghang tanawin ng Mt. Fuji. Bawat bulaklak ay lumalaki hanggang 1.5 sentimetro. Mapupuno ng anim na uri ng shibazakura ang 2.4 ektarya ng lupain dito: ang McDaniel’s Cushion, Mont Blanc, Autumn Rose, Tama-no-Nagare, Little Dot at Oakington Blue-Eyes.

Sa pagdiriwang ng Fuji Shibazakura Festival ay may footbaths na inilagay sa venue para maibsan ang pagod ng mga bisita mula sa biyahe habang ini-enjoy ang nakakamanghang tanawin ng Mt. Fuji at ang kulay ng mga bulaklak.

Gaganapin din sa restaurant at shopping area ang Mt. Fuji Delicious Food Festival kung saan makakakain ng iba’t ibang pagkain na ipinagmamalaki sa paligid ng bundok tulad ng Fujinomiya yakisoba, Fuji-Yoshida udon, Koshu chicken giblet stew at iba pang local cuisines at sweets tulad ng Fujiyama sweet bean buns at Fujizakura Pork Soup. May mga limited edition souvenirs din na mabibili rito tulad ng Yamanashi Black Ball Sweets at Shingen mochi rice cakes.

May entrance fee na 600 yen ang matanda at 250 yen ang bata. May parking space rin sa lugar.

Samantala, mayroon din Shibazakura Festival sa Shibazakura-No-Oka sa Hitsujiyama Park, Chichibu City, Saitama Prefecture.

Access: Approximately two hours from Shinjuku to Kawaguchiko Station by JR Chuo Line or Fujikyuko Line. From Kawaguchiko Station, 30 minutes by Shibazakura Liner bus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *