Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Fuji Rock Festival ‘16

Photos courtesy of Wikipedia

Kasado na ang Fuji Rock Festival ’16 mula Hulyo 22 hanggang 24 sa Naeba Ski Resort, Yuzawa-cho, Niigata Prefecture. Ilan sa mga malalaking pangalan sa music scene ang magtatanghal kabilang ang grupong Red Hot Chili Peppers, Beck at Sigur Rós kaya naman excited na ang mga rock aficionados sa Japan at maging sa iba’t ibang bansa sa kanilang pagtatanghal.

Ang Fuji Rock Festival ay isang three-day event na ginaganap taun-taon sa popular na Japanese ski resort ng Naeba. Ito ang pinakamalaking outdoor music event sa bansa na inorganisa ng Smash Japan. Mahigit sa 200 Japanese at international musicians ang nagtatanghal dito kung saan daan libong manonood ang dumadalo.

Tinawag itong Fuji Rock Festival dahil ang unang music event ay ginanap sa Tenjinyama Ski Resort malapit sa Mount Fuji noong 1997. Noong 1998 ay nilipat ito sa Toyosu sa Tokyo ngunit marami ang nagreklamo dahil sa matinding init kaya muling nilipat ang venue sa Naeba Ski Resort simula noong 1999 dahil sa malamig na klima galing sa kabundukan. Simula noon ay ito na ang naging tahanan ng festival.

Sa loob ng festival grounds ay mayroong pitong entablado kung saan ang Green Stage ang pinakasentro na kayang umukopa ng aabot sa 50,000 manonood. Oasis naman ang tawag sa hub ng site kung saan may mga food stalls na matatagpuan.

Bago ang tatlong araw na pagtatanghal ay iba’t ibang programa ang itinatanghal dito tulad ng bon-odori at fireworks display.

Mae-enjoy din ngmga manonood ang magandang kapaligiran.

Ticket prices: ¥19,000 (one-day), ¥36,000 (two-day), ¥43,000 (three-day)

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Fuji Rock Festival ’16 website: http://fujirock-eng.com/index.html

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *