Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Tunghayan ang hindi masusukat na pag-ibig sa ‘Extraordinary Love’

Ang pamilya ang siyang humuhubog sa ating pagkatao. Anuman ang ating pinagdaraanan, nariyan sila para sumuporta. Ngunit, paano kung ang iyong ina ay may kapansanan at tampulan ng pangungutya? Matanggap mo pa kaya siya?

Iyan ang matutunghayan sa upcoming primetime series sa GMA, ang Extraordinary Love.

Pagbibidahan ito ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor at ang muling pagsasama nina Mikee Quintos at Kate Valdez, ipakikila rin si Jo Berry.

Kasama rin sa serye sina Gardo Versoza, Adrian Alandy, Wendell Ramos, Rochelle Pangilinan, Enrico Cuenca, Vaness del Moral at Cherie Gil. Ito ay sa direksyon ni Gina Alajar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *