Home > Wholesome > Effective Way for Glowing Skin

Effective Way for Glowing Skin

11 Tips for Healthy and Glowing Skin

Ang natural ‘glow’ ng balat ay senyales ng kalusugan. Kapag malusog ang katawan, ito ay makikita sa ating balat. Narito ang ilang tips upang mapanatiling malambot at healthy looking ang inyong balat.

1. I-maintain ang ‘whole food diet’.

Ito ang mga pagkaing fresh o hindi nalalayo sa pagiging natural. Hangga’t maaari ay iwasan ang mga “processed food” na sa matagalan ay nagiging lason sa ating kalusugan. Narito ang listahan ng mga pagkaing may artipisyal na sangkap na dapat iwasan;

  • high fructose corn syrup.
  • enriched at bleached flour
  • aspartame, saccharine, acesulfame-K ( ito ang mga klase ng artipisyal na asukal)
  • hydrogenated oils and/or partially hydrogenated oils (trans fat)
  • artificial colors at flavors
  • monosodium glutamate (autolyzed yeast, hydrolyzed vegetable protein, yeast extract o glutamic acid)
  • preservatives tulad ng sodium benzoate, benzoic acid, sodium nitrite, sulphur dioxide at sorbates.

Mag-pokus tayo sa mga pagkaing sariwa tulad ng gulay at prutas. Kumain ng legumes, whole grains, nuts at seeds upang makasigurong naku-konsumo mo ang lahat ng bitamina, mineral at phytonutrients na kailangan katawan.

2. Drink plenty of water

Ito ang madalas na ipinapayo sa atin ng kahit na sinong eksperto sa kalusugan. Walong ( 8) baso ng malinis na tubig araw-araw. Kapag ikaw ay well dehydrated, ito ay makikita sa iyong balat dahil ang balat mo ay hindi manunuyo.

3. Address any health issues that might affect the beauty of your skin

Ang mga problema tulad ng allergies, thyroid at hormonal imbalances, poor liver function, constipation at iba pang suliranin sa kalusugan ay maaaring magbigay ng problema sa iyo tulad ng pagkakaroon ng nanunuyong balat o acne, dark spots sa balat, nangingitim na paligid ng mata at ang pagmumukhang matanda. Ang kalusugan ay importante para sa malusog na balat. Ang anumang problema natin sa loob ng ating katawan ay makikita sa ating balat kaya mas mabuting magsangguni sa inyong doktor upang mabigyan ng lunas ang anumang problema bago magamot ang problema sa balat.

4. Avoid and reduce stress in your life

Kung ikaw ay stressed out, dapat ay matutunan mo ang kung paano mabawasan ang stress o pagod na nararamdaman.

5. Get enough sleep

Ang tip na ito ay alam ng karamihan. Kung hindi sapat ang oras ng tulog ay natural na ikaw ay manghihina at madaling mahahapo. Ang iyong kalusugan, mga aktibidades at ang kabuuang hitsura ay magbabago at maaapektuhan. Ang pagtulog ay isa sa pinaka-importante sa tao upang mapanatiling malusog ang kanilang pangangatawan.

6. Exercise

Ang ehersisyo ay mahalaga sa pagiging malusog ng pangangatawan. Kahit ang paglalakad lang sa umaga ay magandang ehersisyo para matagtag ang mga natutulog na taba at para dumaloy ng normal ang inyong dugo.

7. Avoid tanning and or use natural sunscreen lotion

Kung ikaw ay nasa ilalim ng sikat ng araw ng matagalan, gumamit ng sunscreen lotion na may sangkap na ligtas sa inyong balat.

8. Do not use harsh cleansers to cleanse your face

Karamihan sa mga skin cleansers ay nakakapagpatuyo ng balat. Ito ay mapapansin mo kapag gumamit ka ng toner o moisturizer. Nagbabalat ang iyong mukha at ang matapang na sangkap nito ang nakakapag-irita ng ating balat na sanhi ng pababalat.

Isang tip na aking natutunan, gumamit ng oil at tubig upang malinis ang inyong balat. Ito rin ay maiging patanggal ng make-up sa mata, foundation at pati ang dumi sa mukha.

Narito ang recipe:

  • Isang malinis na boteng walang laman. Pwede mo ring gamitin ang bote ng iyong eye make-up remover.
  • 1 oz. of distilled water
  • 3 oz. of light olive oil

Paraan:

  • Pwede ring lagyan ng 5 patak ng grapefruit seed extract at contents ng 4 vitamin E capsules sa mixture ng oil at tubig. Haluing mabuti.
  • Basain ang cotton ball ng ginawang make-up remover.
  • Linisin ang buong mukha kasama ang paligid ng mata, hugasan ang mukha ng tubig at saka isunod ang inyong toner at moisturizer.
  • Kung ayaw naman ninyo gumamit ng oil sa inyong balat, gumamit ng skin cleanser na walang sangkap na Sodium Lauryl Sulfate.

9. Use non-alcohol toner

Ang mga toner na may sangkap na alcohol ay nagpapatuyo ng balat na magiging sanhi ng breakout at wrinkles. Gumamit ng toner na non-alcohol.

10. Exfoliate

Ang madalas na paggamit ng exfoliating agent ay depende sa kung gaano ka-sensitibo ang inyong balat. Maaari kang gumamit ng iba’t ibang scrub o brush para ma-test mo kung alin ang tamang gamitin na tutugma sa iyo.

Isa pang paraan para i-exfoliate ang balat ay sa pamamagitan ng scrub. Ang regular sugar scrub ang isa sa panaka-epektibo. Gamitin ito dalawang beses sa isang linggo. Dalawang bagay ang nagagawa ng sugar scrub; una, dahil sa glycolic acid na sangkap ng asukal, ine-exfoliate nito ang mahirap na tanggaling nanunuyo balat, pangalawan ang sugar crystal ang siguradong magtatanggal ng dead skin cells habang iminamasahe ito sa inyong mukha. Maaari ring dagdagan ng essential oil upang mabigyan ng buhay ang balat.

Narito ang simple face scrub recipe na pwede ninyong subukan:

  • 1 tasang asukal
  • 1/2 tasang extra virgin olive oil
  • 20 patak ng lavender essential oil.

Maaari kang gumamit ng essential oil na gusto mo, citrus oils ay maigi upang mabuhay muli ang inyong skin cells para magkaroon ng extra glow ang inyong mukha.

14 Comments

  1. Puede po ba mag scrub kahit may skin pigmentation sa face?Hindi po bq mag worsen into pag iniscrub.ano po ang dapat ko gawinpara matanggal ang skin pigmentation ko as face.sana matugunan nyo agad ang concern ko.salamat po.

    1. of course mas maganda kung pakinisin muna ang balat gamit ang mga natural home remedies.. after nun magpaputi ka.
      1. i limit lang ang exposure sa araw.
      2. maglagay ng suncreen kung ang tabaho mo ay nasa field.
      3. gumamit ng mga may spf na lotion.. kasi it protects you from sun

  2. ask kulang po..ilang besis nako nag ka sunburn ? Ngayon may tumubong mga butlig na maliliit sa leeg ko?at pag pinawisan ako ang kati?sabi naman ng iba dry skin daw ung balat ko?anu po ba dapat gawin?salamat

    1. Good day po. Same din tayo ng problem. But beacause of different home remedies nabawasan ang pag dry ng skin ko at mas glowing sya that before. Im using honey and sugar as my exfliate product for deadskin… lemon and honey for illiminating dark spot. And honey and tomato for fighting pimples. ☺☺☺ alternate ko yan ginagawa

Leave a Reply

%d bloggers like this: