Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Easy E-Tax

Sa kasalukuyang panahon at makabagong teknolohiya, marami ng bagay ang nagiging madali. Maging sa pagpa-file ng income tax ay mas pinadali na sa pamamagitan ng e-Tax.

Ang e-Tax software ay isang klase ng software na ginawa para mas maging madali at convenient ang pagpa-file ng tax gamit ang nasabing software at internet. Marami itong features na magiging madali para sa mamamayan na magpa-file ng tax return o magbabayad ng buwis.

Sa pamamagitan ng e-tax software na ito at internet ay magagawa ng isang indibidwal na mag-file ng tax o magbayad ng tax na hindi na pupunta pa sa tax office. Ito ay magagawa mo na sa sarili mong tahanan.

Sa mga bagito o hindi pamilyar sa computer, hindi ito mahirap gamitin dahil may guide at manual na susundin upang hindi malito ang gumagamit.

AMPLE CREATION SUPPORT FUNCTIONS NG E-TAX

Automatic transcribing – ire-rehistro ng first time users ang kanilang pangalan, address at iba pang impormasyon ukol sa kanila. Ang e-Tax ay information generated system na kapag nag-umpisa ka nang mag-file ng tax return ay awtomatikong ipo-populate o ige-generate ng system ang iyong impormasyon. Madali mong i-check sa huling bahagi kung tama ang lahat ng impormasyon bago mo ituloy ang filing. Sa sistemang ito ay hindi mo na kailangang paulit-ulitin ang paglalagay ng mga datos o impormasyon sa application.

Automatic calculation – ang software rin na ito ay may automatic calculation para hindi na mahirapan pa ang nagpa-file na gumamit ng calculator.

AMPLE STATEMENTS

All electronized statements are provided – ang lahat ng statement para sa binubuwisan ay awtomatikong nakalagay na sa system. Kapag ang isa sa mga statements na nakalagay dito ay nagkaroon ng pagbabago ay madali mo itong mapapalitan sa pamamagitan ng upgraded version o pag-update.

You can refer to explanations of statements – nasa software rin na ito ang guide upang makagawa ka ng statement.

Ensured information security – sa makabagong panahon natin ay marami pa rin ang nag-aalala na sa dami ng mga computer hackers ay mahirap maglagay ng mahalagang impormasyon ukol sa sarili. Ang e-tax software ay encrypted ng SSL (secure socket layer) 128-bit na world standard ng encryption technologies. At para makasiguro na ang ipinadalang data ay gawa mismo ng tao na nagma-may ari ng impormasyon, isang electronic signature at electronic certificate ang naka-attach sa data ng tax return o application.

Ang e-tax software ay may manula o guide na maaaring sundan ng user upang maging mas madali para sa kanila ang paglalagay ng impormasyon ukol sa tax application.

Mechanism of electronic tax return filing

  1. Magsusumite ang user ng “notification of start o change gamit ang e-Tax” sa isang tax office.
  2. Ang tax office ang susuri ng impormasyon at ire-rehistro ang user.
  3. Isang pagkakakilanlan (A user’s identification number/PIN) ay ibibigay sa user.
  4. Ang user ay magre-rehistro ng electronic certificate.
  5. Ang user ang gagawa ng data ng kanilang tax return, application at iba pang mahalagang datos at ia-attach nito ang kanilang electronic signature pati ang electronic certificate at ipapadala ito sa e-Tax reception system.
  6. Ang e-Tax (reception system) ang susuri sa datos na ipinadalang tax return, application o iba pa at tatangapin nito sa system ang lahat ng impormasyong nakakalap at itatago (store in the system) ang resulta sa user’s message box.
  7. Maaaring i-check ng user ang reception notice na natanggap mula sa e-Tax (reception system) sa kanilang message box.

Flow of Direct Payment – ang payment direction ay ang user ang magta-transfer ng bayad sa halaga ng buwis na dapat bayaran mula sa kanilang bank account (gamit ang ATM kasama na rito ang pagde-deposito ng cash) sa account ng national treasury gamit ang direct payment, internet banking o ATM. Kung gagamit ng direct payment, kailangang mag-sumite ng notification of use ng direct payment sa tax office kung saan ka magpa-file. Ang pagsusumite ng notification of use para sa direct payment ay kailangang isulat.

Flow of the tax payment procedure (when using Internet banking with the registration method) – Para sa payment directions, ang user ang magta-transfer ng halaga ng buwis na babayaran o halaga ng fee mula sa kanilang bank account (kung gagamit ng ATM, kasama na rito ang pagde-deposito ng cash) sa national treasury gamit ang direct payment, Internet banking o ATM. Para sa self-assessed income tax, corporation income tax o local corporation income tax, consumption tax at local consumption tax, special reconstruction corporation tax, self-assessed income tax at special reconstruction income tax, gamitin lamang ang simpleng paraan gamit ang inyong mobile banking o ATM para sa pagbabayad sa pamamagitan ng paglalagay ng payment information tulad ng tax item at ang halaga ng buwis na hindi na kailangan pang i-rehistro sa e-Tax.

Para sa mas eksaktong detalye, mahalagang basahin ang guidelines ng manual mula sa e-Tax software upang maging mas madali ang paggamit ng makabagong sistema ng pagpa-file o pagbabawad ng buwis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *