You are here
Home > Cover Focus > Dingdong Dantes and Marian Rivera: From Reel to Forever

Dingdong Dantes and Marian Rivera: From Reel to Forever

Photos Courtesy of GMA7

Maraming nagsasabing sina Dingdong at Marian ay couple matched made from heaven. Mula sa pagiging mag-loveteam hanggang sa naging mag-sweethearts, at ngayon ay tinatahak na nila ang landas sa patungong “Forever.”

Nagsimula ang magandang chemistry ng dalawa nang una silang magtambal sa “Marimar”. Pareho silang nag-umpisa sa ibaba hanggang sa marating nila ang rurok ng tagumpay. Mula sa pagiging commercial models ay pinalawak pa nila ang kanilang mundo sa larangan ng pag-arte, pagsayaw at pag-awit. Sa magkahiwalay na landas ay kapwa nila pinagdaanan ang dinanas ng mga artistang nag-uumpisa pa lamang sa showbusiness.

Nakikita sila sa iba’t ibang commercials at TV guestings at sa mga teleserye bilang mga supporting roles hanggang sa mabigyan na sila ng pagkakataon upang magkaroon ng sarili nilang teleserye.

Ang Marimar ang una nilang pinagtambalan sa telebisyon. Ang GMA 7 ay naglunsad ng audition para sa “GMA 7 network artist”, na kung sino ang gaganap bilang Marimar sa gagawing adaptation mula sa orihinal na TV serye na pinagbidahan ni Thalia. Ang teleseryeng ito ay naging hit sa mga manood kaya naman naging isang hamon para sa gaganap kung mapapantayan ang lakas at taas ng rating sa mga manonood. Dahil sa mga panahong yun ay kasikatan nina Thalia at Eduardo Capetillo, naging hamon ito na kung sino ang gaganap ng kanilang papel. Ibinigay kina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang role nina Marimar at Sergio Santibanez.

Naging instant hit sa manonood ang kanilang teleserye. Sinundan ng sunud-sunod na high ratings ang nasabing teleserye at nakabuo ng sanlaksang tagahanga ang tambalang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ang “Marimar” ay naging highest-rated primetime show sa Philippine television, at the same time, nabuo ang tambalang Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang Primetime King and Queen ng GMA Network.

Ang tagumpay ng Dingdong-Marian team-up ay nasundan pa ng maraming teleserye tulad ng “Dyesebel” noong 2008, “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang” noong 2009, “Endless Love” noong 2010, at “My Beloved” noong 2012.

Taong 2008, nang gumawa sila ng unang pelikulang kanilang pinagtamabalan ang “One True Love” na sinundan ng “You to Me Are Everything” noong 2010.

Instant success man ang kanilang tambalan ay hindi ibig sabihin noon ay nagkaroon kaagad sila ng pagtatangi sa isa’t isa. Kumbaga, hindi mo iisiping sila ang magkakatuluyan sa bandang huli dahil ang una nilang pagkikita ay hindi naman ganoong ka-magical. At nung mga panahong yun ay obviously may kani-kaniya silang partner. Strictly business lang ang relationship nila ni Dingdong, no more, no less. Although magkaiba ang naramdaman sa bawat isa, si Marian, ang unang impression niya kay Dingdong ay suplado. Samantalang kay Dingdong ay iba. Nakaramdam siya ng kakaibang feeling nung unang hawakan niya si Marian. Ang mga sunud-sunod na proyekto ang nagbigay daan sa dalawa, kung anuman ang naramdaman nila sa isa’t isa. Dito na nagsimula ang haka-hakang nagkakamabutihan sila na malaunan ay hindi na rin itinaggi ng dalawa. Ang the rest ay nauwi na sa kasalan.

Ang pagmamahalang Dingdong at Marian ay naging bukas na aklat sa lahat. Mula noon hanggang magkaroon sila ng supling, Maria Letizia o Zia, at hanggang ngayon ay nakikita pa rin ang tamis ng pagmamahalan nila on and off screen. Sa social networking ay nakikita ang mga travels ng mag-asawa sa iba’t ibang bansa kasama ang kanilang supling. Perfect couple na matatawag at ang kanilang mga tagahanga ay nagdarasal na maging matibay at solido ang kanilang pagsasama.

Ang pagmamahalang nakapagpabago sa kanilang mga personalidad. Ang pagiging komikera ni Marian at ang pagiging reserved at tahimik ni Dingdong ay nagkaroon ng magandang kumbinasyon para sa kanila. Isa sa mga aral na natutunan ni Dingdong kay Marian ay huwag maging seryoso sa lahat ng bagay. Dapat ay magkaroon ng sense of humor na siyang sinunod ni Dingdong. Ang ugali nilang mag-asawa ay perfect combination ika nga.

Public figure man sila, hindi pa rin nila nalilimutang magkaroon ng golden at quality time para sa kanilang pamilya. Kaya gusto nilang madalas mag-travel para ma-enjoy nila ang isa’t isa at kasama ang kanilang anak. Gumagawa sila ng good memories kasama ang isa’t isa.

Masasabi nating ang mga tagahanga ng DongYan ay matured na dahil nire-respeto nila ang kung ano ang public at kung ano ang private para sa mag-asawang Dingdong at Marian.

Sila ay perpektong ehemplo ng mga mag-asawa sa showbiz na kahit busy sa kani-kanilang mga showbiz schedule ay hindi nila nalilimutang magbigay daan sa kanilang quality time para sa kanilang pamilya. Masasabi nating maligaya ang dalawa dahil mula sila sa mabubuting pamilya. Mahal ni Marian ang magulang ni Dingdong at mahal din ni Dingdong ang magulang ni Marian. Ang relasyong may respeto at pagmamahal.

Bihira na nga ang mga ganitong senaryo sa showbiz kung saan dalawang sikat na artista ang nagkatuluyan. Marami ang nagdarasal na malampasan ng dalawa ang 7 year itch na tinatawag at magsama sila ng habambuhay. From reel to forever.

Leave a Reply

Top
%d bloggers like this: