Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Dinaldalem

Ang Dinaldalem ay isang lutuing Ilokano at ang mga sangkap nito ay baboy, atay ng baboy, garbanzos at bell pepper na niluto sa toyo at suka. Ito ay nagmula sa pangalang “dalem” na ibig sabihin ay atay. Simple lutuin na kinalulugdan ng mga Ilokano lalo’t may kasamang kanin at Ilocano style na gulay.

Sangkap:

  • 650g liempo, hiwaing maliit na pakwadrado
  • 250g atay ng baboy, hiwaing maliit na pakwadrado
  • 1 malaking siling pula, hiwaing pakwadrado
  • 1 400g latang garbanzos
  • 1½ tasang suka
  • ¼ tasang toyo
  • 3 pirasong dahon ng laurel
  • 1 kutsarang dinurog na paminta
  • 2 kutsaritang asukal
  • patis
  • 5 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 1 maliit na sibuyas na pula, tadtarin
  • 1 maliit na piraso ng luya, tadtarin
  • mantika

Paraan:

  1. Ibabad ang atay ng baboy sa ½ tasang suka sa loob ng isang oras, haluin kada 15 minuto para sipsipin ng baboy ang suka.
  2. Sa kaserola, maglagay ng mantika, painitin at igisa ang bawang, luya at sibuyas. Lutuin hangang lumambot ang sibuyas.
  3. Ilagay ang baboy at ituloy ang paggisa sa malakas na apoy.
  4. Kapag nagkulay brown na ang baboy, ihalo ang garbanzos, suka, toyo, pamintang buo at dahon ng laurel. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 25 minuto sa katamtamang init ng apoy at walang takip para mabawasan ang likido.
  5. Alisin ang natitirang tubig sa atay at itabi.
  6. Idagdag ang bell pepper at atay at pakuluin sa karagdagang 5 minuto.
  7. Itama o i-adjust ang lasa sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tubig kung kinakailangan, lasahan ng patis. Ihain na may kasamang dinurog na paminta sa ibabaw.

Thank you: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *