Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

‘Dignified silence’ paiiralin ni Sereno sa SC

Matapos ang panunumpa ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay humarap sa kanya ang maraming media officials na naghahangad na makapanayam nito ngunit ito ay kanyang tinanggihan. Sa isang pahayag na inilabas ng Supreme Court Public Information Office, hindi na maaring makapanayam ang Punong Mahistrado dahil ito ay isang abala sa maraming trabaho na dapat gampanan ng ahensya. Ayon kay Sereno, iba ang kalakaran sa hudikatura; walang pulitika ang namamagitan sa loob nito. Nais din niya na ibalik ang dating Korte Suprema kung saan lahat ng opisyal nito ay napapakinggan gamit ang mga hatol at kasulatan nito. Sa kabilang banda, isasapubliko ng mga mahistrado ang kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) upang maging transparent ito sa kabila ng utos na bawal magpa-interview. (Abante)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *