You are here
Home > Showbizz > Daniel Padilla, Pia Wurtzbach, at Vice Ganda ang mga bagong superheroes sa pelikulang “The Revenger Squad”

Daniel Padilla, Pia Wurtzbach, at Vice Ganda ang mga bagong superheroes sa pelikulang “The Revenger Squad”

Apat sa malalaking entertainment icons ngayon ay nagsama-sama sa isang pelikulang puno ng katatawanan at adventure sa “The Revenger Squad”, na mapapanood sa labas ng bansa via TFC@theMovies simula December 28

Isa na namang pelikula na puno ng saya ang hatid ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa Star Cinema at Viva Films movie na “The Revenger Squad”, kasama sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach, na bahagi ng 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF), at mapapanood sa labas ng bansa via TFC@theMovies simula December 28.

Minamarkahan ng The Revengers Squad ang pagsama-sama nina Vice Ganda, Padilla, Wurtzbach, at direktor na si Bb. Joyce Bernal – na isang certified dream team sapagkat bawat isa sa kanila ay itinuturing bilang pinakamalaking cultural icon ng bansa ngayon.

Si Vice Ganda ay isang six-time Phenomenal Box-Office Star, at talaga namang hindi mapapantayan ang kaniyang track record sa MMFF sa nakalipas na mga taon kung saan ang kaniyang mga pelikula ay pumalo nang todo sa takilya. Maituturing din na isa siya sa mga bumago sa katayuan ng mainstream films sa bansa ngyon, dahil na rin sa kakayahan niyang sabayan ang iba’t ibang panlasa ng mga manonood.

Kasama ni Vice sa pelikula ay ang certified Box Office King na si Padilla, na ang mga pelikula ay pumalo rin sa takilya. Ang tagumpay ng mga proyekto ni Padilla ay mababakas din sa telebisyon lalo na sa kaniyang kasalukuyang primetime telerserye sa ABS-CBN – ang La Luna Sangre na isa sa mga programang mayroong mataas na ratings sa bansa.

Magdadala rin ng katatawanan ay si Wurtzbach, na naging usap-usapan sa loob at labas ng bansa nang siya ay kinoronahan bilang Miss Universe sa makasaysayan na Miss Universe 2015 pageant. Nasungkit ni Wurtzbach ang pinakaaasam na titulo at nagbigay-karangalan sa Pilipinas at sa bawat Pilipino.

Sa ilalim ng direksyon ni Bernal at sa panulat ni Danno Mariquit, ilang mga bagay ang gagawin nina Vice, Padilla, at Wurtzbach sa unang pagkakataon sa “The Revenger Squad”. Ito ang unang beses nina Vice at Padilla na gumanap bilang superhero, at unang beses na rin na subukan ng huli ang comedy. Ito rin ang nagsisilbing big screen debut ni Wurtzbach.

Umiikot ang kuwento ng “The Revenger Squad” kay Emy (Vice Ganda), isang reseller ng makeup at basahan. Makakalimutin man siya, hindi nalilimutan ni Emy na alagaan at protektahan ang kaniyang nakababatang kapatid na si Chino (Daniel Padilla), sa puntong overprotective na ito sa kaniya. Magsisimula ang saya nang mag-21 si Chino at maalala ni Emy na siya ang superhero na si Gandarra, at ang mga kapangyarihan ni Chino ay malapit nang lumabas ngayong siya ay malaki na. Sa kagustuhan niyang iligtas si Chino sa mga kapahamakan na kakambal ng pagiging isang superhero, tinago ni Emy ang katotohanan at lalo pa siyang naging protective sa kaniyang kapatid.

Ito ay hanggang mayroong bagong superhero na lumabas,si Rapiddo, na matutuklasan ni Emy ay ang kaniyang kapatid pala na si Chino. Kaya naman nag-desisyon siyang maging si Gandarra muli upang tulungan at protekatahan ang kaniyang kapatid. Kasama ang mga super best buddies ni Emy, magiging superhero squad sina Gandarra at Rapiddo na pamilya ang trato sa isa’t-isa.

Magsisimulang magulo ang kanilang mundo sa pagpasok sa eksana ng superhero na si Kweenie (Pia Wurtzbach), na magbubulgar ng katotohanan na maaring sumira sa kanilang pamilya.

Kukumpletuhin ang team nina Gandarra, Kweenie, at Rapiddo ng isang grupo ng mga kakaiba at lovable na super heroes na sina Barna (Carla Estrada), Higopa (MC Calaquian), Flawlessa (Lassy Marquez), Pospora (Wacky Kiray), at Enrique Heal (Justin James Quilantang).

Paano ba nagiging super and isang hero? Ito ba ang kaniyang mga abilidad at superpowers? O ito ba ang kanyang kakayahang magmahal? Maililigtas ba ng love, laughter, at joy ang lahat mula sa mga kampon ng kasamaan?

Alamin at saksihan ang mga adventures ng mga pinakabagong tagapagtanggol ng bayan sa “The Revengers Squad”, na mapapanood sa labas ng Pilipinas via TFC@theMovies sa mga sumusunod na petsa at bansa: Australia at New Zealand sa December 28; U.S. at Canada sa December 29; United Kingdom sa December 29, 30, at 31; Austria sa December 29 at 30; Rome, Italy sa December 31; Thailand sa January 6 at 7; January 7 sa Milan at Torino, Italy; Madrid, Spain sa January 7; Malta at Taiwan sa January 7; Papua New Guinea at Brunei sa January 11; Saipan sa January 12; Hong Kong at Singapore sa January 14, at soon sa iba pang mga bansa.

Leave a Reply

Top
%d bloggers like this: