Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

DA, NIA handa na sa tag-ulan

Malapit na ang tag-ulan at nakahanda na ang dalawanga ahensiya ng pamahalaan, ang Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA), upang tulungan ang mga magsasakang maaaring masalanta ng bagyo ang kanilang mga pananim.

Ayon kay DA Secretary Proceso Alcala,  Kung sakali mang tamaan ng kalamidad ang ilang lugar ng Pilipinas na maaapektuhan ang sakahin nila ay may nakahandang mga binhi ng palay, mais at mga gulay sa kani-kanilang mga regional office upang magpamahagi ng libre.
Magkagayunman, hinikayat ni Secretary Alcala na kung maaari ay i-insure nila ang kanilang pananim sa  Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para mabayaran ang kanilang magagastos sakaling masira ito ng bagyo o anumang kalamidad.
Maging si NIA Administrator Antonio Nangel ay nagpahayag ng kahandaan kung sakaling magkaroon ng kalamidad ay tutulong ang kani-kanilang regional directors at hindi maniningil ng anumang bayad para sa irrigation fee at mayroon na silang mga binhi na ipamimigay sa mga magsasaka.  Makakaasa silang may sapat na binhi na ipamimigay para makinabang ang  magsasakang masasalanta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *