Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Cristine Reyes, Daniel Matsunaga, Gab Valenciano at Wacky Kiray maghaharap-harap sa “I Can Do That” grand finals

Malalaman na sa huling makapigil-hiningang performances kung sino ang hihiranging Greatest Entertainer sa finale na mapapanood sa labas ng Pilipinas via TFC, at via streaming simulcast sa Philippine airing nito sa June 3 at 4 via TFC Online (TFC.tv) sa key countries worldwide

Malalaman na kung sino sa natitirang apat na iCandidates ng talent-variety show na “I Can Do That” ang hihirangin na “Greatest Entertainer” sa grand finals na mapapanood sa labas ng bansa via TFC, at streaming simulcast sa ABS-CBN airing nito sa June 3 at 4 (Manila time) via TFC Online (TFC.tv) sa key countries worldwide.

Noong nakaraang linggo, sa unang pagkakataon ay nag-perform ng solo sina Daniel Matsunaga, Cristine Reyes, Wacky Kiray, Sue Ramirez, at Gab Valenciano upang sungkitin ang titulong “D’Great Finalist,” at na siyang magpapatuloy sa grand finals.

Mula sa limang iCandidates, si Ramirez ang hindi pinalad na makakuha ng puwesto sa grand finals, matapos ang kaniyang scaffold dance act.

Ngayong weekend, magiging mahigpit ang labanan sa pagitan ng tatlong lalaking grand finalists na sina Matsunaga, Valenciano, at Kiray, at sa nag-iisang babaeng grand finalist na si Reyes.

Ang “I Can Do That” ay nilikha ng Armoza Formats ng Israel at nagawan na ng lokal na bersyon sa 20 bansa sa buong mundo, kabilang na ang US version nito kung saan ang singer na si Nicole Scherzinger ang itinanghal na unang Greatest Entertainer.

Sino sa kanilang apat ang magtatagumpay at hihiranging “Greatest Entertainer?” Alamin iyan kasama ang mga hosts ng programa na sina Robi Domingo at Alex Gonzaga.

Huwag palampasin ang kanilang huling makapigil-hiningang performance sa “I Can Do That,” na mapapanood sa labas ng Pilipinas via TFC. Ang two-day grand finals nito ay mapapanood din via streaming simulcast sa ABS-CBN airing nito sa June 3 at 4, 9:45 p.m. (Manila time) via TFC Online (TFC.tv), sa key countries worldwide. Samantala, ang catch-up episodes ay mapapanood via TFC Online (TFC.tv) at TFC IPTV sa key countries worldwide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *