Coronavirus, handa ang Pilipinas
Isa ang pinakabagong klase ng coronavirus na natukoy sa Saudi Arabia at ilan pang mga infectious diseases sa anumang banta ay pinaghandaan ng Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
“Our experience in the previous global public health emergencies such as the SARS coronavirus in 2002-2003, the Pandemic Influenza H1N1 in 2009-2010 has given us the necessary capacity to respond to similar threats,” pahayag ni Health Secretary Enrique Ona. Nakaalerto din umano ang National Epidemiology Center (NEC) ng DOH at ito umano ang tumatayong national focal point sa International Health Regulation. Inatasan na ni Ona ang NEC na makipag-ugnayan sa WHO ukol sa ginagawang imbestigasyon sa Coronavirus.